00:00Hindi lubos na nagamit sa kasagsagan ang sunog nitong weekend ang isang fire hydrant sa Quezon City.
00:07Halos dikit kasi sa isang pader.
00:09Ang action dyan matapos mag-viral sa pagtutok ni Rafi Tima.
00:16Ito na raw ang isa sa pinakamalaking sunog sa lugar na ito sa Barangay Obrero sa nakalipas na 7 taon.
00:22Mas malaki sa sunog na nangyari dito noong 2018.
00:25175 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumagal ng 6 oras.
00:30Kaya nag-viral ang isang post kaugnay sa fire hydrant malapit sa lugar na kung hindi umanod dikit na sa isang pader ay nakatulong sana sa pag-apulan ng apoy.
00:38Ayon sa Barangay Obrero, nakapagkabit naman ang tubo ang mga bumbero sa naturang hydrant ng gabing yun.
00:43Nagamit naman po yun sir. Ang nangyari lang po sir, yung isang side niya talagang nakapasok doon sa pader.
00:52Ayon sa BFP, naantalang ang bahagya ang paggamit nila sa fire hydrant dahil nga dikit ito sa pader.
00:57Sa kanilang pag-iimbestiga, hindi naman daw doon talaga nakalagay ang naturang fire hydrant.
01:02Nasa mismong kali daw ito noon pero inilipat ng water concessionaire malapit sa pader nang ayusin ang bangketa.
01:08Sila po kasi yung na-authorizing na gumalaw doon at maglipat.
01:12So nagkataon lang na bakit doon na itikit sa may pandang pader ng property.
01:16Ang mga dokumentong ito, ipinadala rin ang may-ari ng compound sa GMA Integrated News
01:20sabay paglilinaw na sila man matagal nang hiniling na ilipat ang fire hydrant para hindi ito nakadikit sa kanilang pader.
01:28Ngayong araw, naiusog na ang kontrobersyal na fire hydrant at natanggal na sa pagkakadikit sa pader.
01:34Mismong water concessionaire daw ang nag-ayos nito.
01:37Paalala ng BFP sa mga nakatira malapit sa mga fire hydrants.
01:40Kung maaari po, huwag po nilang harangan, sasakyan, huwag po nilang galawin
01:45dahil kinakailangan po, functional po lahat ng hydrant.
01:50Just in case na gamitin po ng Bureau of Fire, ay madali po makakuha ng tubig doon.
01:54Ininspeksyon na rin ito ng BFP laging handa at pasado na raw ito sa kanilang standard.
01:59Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
02:10Outro