00:00Samantala, hinihikayat ng National Irrigation Administration ang mga magsasaka sa Albay na may utang sa patubig na mag-apply sa Condonation Program.
00:09Ang detalya sa Balitang Pambansa ni Gary Carillo ng Radyo Pilipinas, Albay.
00:15Nakahinga ng maluwag ang mahigit 20 magsasaka sa Albay matapos mabura ang kanilang pagkakautang sa patubig.
00:22Iginawad na kasi sa kanila ng National Irrigation Administration ang Certificate of Condonation and Exemption para sa Irrigation Service Fee na nagkakahalaga ng 1.7 milyon pesos.
00:35Basi kasi sa Republic of 10969, libre ng Irrigation Service Fee simula 2018 hanggang ngayon.
00:44Pero kailangan pa rin lang apply yan ng condonation yung 2017 bubaba ng kanilang bank account or kanilang pagkakautang.
00:51Target ng NIA Albay Catanduanas Irrigation Management Office na palawakin pa ang programa upang mapakinabangan ng iba pang barangay na sakop ng South Kinali at Kabilugan San Juan.
01:05Layunin nito na mapagaanang pasanin ng mga magsasaka at mapalakas pa ang kanilang kakayahan sa pagtatanim at pag-aani.
01:13Imikayat ko po ang mga farmers ng Albay na mag-apply ng condonation program natin para mawala kanilang ISF bank account o kanilang pagkakautang sa Irrigation Service Fee.
01:27Ang mga ganitong tulong sa mga magsasaka ay bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan para sa mas inklusibo at mas produktibong kaunlaran sa sektor ng agrikultura sa Bicol Region alinsunod na rin sa Free Irrigation Service Act.
01:43Mula sa Radyo Pilipinas Albay, Gary Carl Carillo para sa Balitang Pambansa.