- 4/11/2025
-Asaran sa isang umpukan, nauwi sa sakitan/Unang nanakit, napikon matapos matalo raw sa online gambling
-Amb. Markus Lacanilao na cited in contempt ni Sen. Marcos, hindi na-detain matapos hindi pumirma sa detention order si Senate Pres. Escudero/Senate Pres. Escudero, nag-issue ng Show Cause Order para pagpaliwanagin si Amb. Markus Lacanilao kung bakit hindi siya dapat i-contempt ng Senado
-Ashley Ortega, mapapanood na simula mamayang gabi sa "Lolong: Pangil ng Maynila;" Masaya na muling makatrabaho si Ruru Madrid/Solenn Heussaff, may pa-sneak peek sa look ng character niyang si Cassiopeia; bagong teaser ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre," ilalabas mamaya
-Mga pasyalang puwedeng puntahan forda first time, tampok sa "Biyahe ni Drew" sa Linggo, 8:45 pm sa GTV
-Nueva Ecija gubernatorial candidate, pinagpapaliwanag ng COMELEC dahil sa mga pahayag tungkol sa sakit ng kalaban ng kanyang kaalyado
-INTERVIEW: ATTY. JOHN REX LAUDIANGCO, SPOKESPERSON, COMELEC
-Kerwin Espinosa, nakalabas na sa ospital matapos mabaril sa balikat
-Premiere night ng "Samahan ng mga Makasalanan," dinaluhan ng cast at mga bisita in red & black OOTDs/David Licauco, thankful sa suporta ni Barbie Forteza sa "Samahan ng mga Makasalanan" premiere night/Barbie Forteza, gusto na raw makatrabaho ulit si David Licauco on another project
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Amb. Markus Lacanilao na cited in contempt ni Sen. Marcos, hindi na-detain matapos hindi pumirma sa detention order si Senate Pres. Escudero/Senate Pres. Escudero, nag-issue ng Show Cause Order para pagpaliwanagin si Amb. Markus Lacanilao kung bakit hindi siya dapat i-contempt ng Senado
-Ashley Ortega, mapapanood na simula mamayang gabi sa "Lolong: Pangil ng Maynila;" Masaya na muling makatrabaho si Ruru Madrid/Solenn Heussaff, may pa-sneak peek sa look ng character niyang si Cassiopeia; bagong teaser ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre," ilalabas mamaya
-Mga pasyalang puwedeng puntahan forda first time, tampok sa "Biyahe ni Drew" sa Linggo, 8:45 pm sa GTV
-Nueva Ecija gubernatorial candidate, pinagpapaliwanag ng COMELEC dahil sa mga pahayag tungkol sa sakit ng kalaban ng kanyang kaalyado
-INTERVIEW: ATTY. JOHN REX LAUDIANGCO, SPOKESPERSON, COMELEC
-Kerwin Espinosa, nakalabas na sa ospital matapos mabaril sa balikat
-Premiere night ng "Samahan ng mga Makasalanan," dinaluhan ng cast at mga bisita in red & black OOTDs/David Licauco, thankful sa suporta ni Barbie Forteza sa "Samahan ng mga Makasalanan" premiere night/Barbie Forteza, gusto na raw makatrabaho ulit si David Licauco on another project
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Nagkaasaran, nagkapikunan, kaya nagbardagulan.
00:05Yan ang nahulikam sa isang umpukan sa Quiapo, Maynila.
00:09Ang mitya ng away, alamin sa mainitabalitang hatid ni Jomer Apresto.
00:14Viral sa social media ang video na ito ng asaran ng dalawang tao sa isang umpukan sa Quiapo, Maynila nitong Webes ng hating gabi.
00:33Maya-maya, napikon ang isa sa kanila at sinugod ang taong nakatayo.
00:40Hanggang sa naghampasan na sila ng upuan at nagsakitan.
00:44Makikita pa sa video na agad kinuha at itinabi ng isa sa mga nakatambay ang kutsilyo na nakalapag sa lamesa.
00:51Habang ang isa, pilit na silang inaawat.
00:54Sa caption ng uploader ng video, talo raw sa online gambling ang unang nanakit na nakilalang si Alias Abi.
01:01Umani ng sari-saring reaksyon sa social media ang video na umabot na sa 4.5 million views.
01:08Nakausap namin ang isa sa mga sangkot na kilala sa tawag na Marla.
01:12Sa kwento niya, nanonood lang siya sa cellphone ni Alias Abi na nagsusugal noon nang bigla siya nitong sinabihan na malas.
01:19Parang nagalit po siya sa akin.
01:22Hindi po, swerte po ako dito.
01:24Kasi po kahit di po ako tagalito, minamahal po ako ng mga tao.
01:28Si Marla, may hinanakit din daw sa ilang tao sa lugar.
01:43Ayon sa barangay, agad nilang inaksyonan ang nangyari. Hindi na ito inireport sa polisya.
01:49Napag-ayos naman din po sila agad-agad.
01:51Kapag hindi ating kabiruan, huwag ating bibiruin basta-basta.
01:54Parang hindi po tayo napapalo ng bangko. Hindi po ba?
01:57Sinusubukan pa namin makuhanan ng pahayag si Alias Abi.
02:01Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:05Hindi na tuloy ang pagdetain sa Senado kay Ambassador Marcos Lacanilau
02:10na kinatawa ng Interpol sa Pilipinas matapos siyang ipakontempt sa Senate hearing kahapon.
02:16Ayon kay Senadora Amy Marcos, hindi pinirmahan ni Senate President Chief Escudero
02:20ang contempt order para kay Lacanilau kaugnay sa pagdinig sa pag-aresto
02:25kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
02:28Sa kabila ng hayagan at paulit-ulit daw na pagsisinungaling ni Lacanilau,
02:33iniutos pa ni Escudero na palayain siya.
02:36Kung gayitong binabaliwala ang otoridad ng Senado, para saan pa ang pag-iimbestiga?
02:42Tugo naman ni Escudero, hindi niya tinanggihang pirmahan ng arrest order.
02:47Bago pa raw niya kasi nakita o makita ang arrest order,
02:51eh naglabas na ng pahayag si Marcos at ipinagyabang ang pirmadong kopya nito.
02:57Yan ay kahit hindi pa niya nababasa o natatanggap ang kopya nito.
03:02Tila raw binabaliwala o hinalimutan ni Marcos na kailangang aprobado ng Senate President
03:08ang anumang pagpapa-aresto o pag-detain ng Senado sa isang resource persona cited in contempt.
03:14Wala raw requisite approval at hindi dumaan sa due process ang detention ni Lacanilau,
03:20kaya niya pinalaya ang opisyal matapos ang ilang oras.
03:24Nag-issue naman si Escudero ng show cause order kay Lacanilau
03:27para magpaliwanag sa loob ng limang araw kung bakit hindi siya dapat ma-cite in contempt.
03:33Doon daw siya, mag-de-desisyon kung pipirmahan o hindi ang arrest order.
03:38Wala pang pahayag si Senadora Marcos, kaugnay sa sinabi ni Escudero.
03:41From bahay ni Kuya to outside world ni Lolong,
03:55mapapanood na kasi si sparkle actress at ex-PBB housemate Ashley Ortega
04:02simula mami ang gabi sa Jemay Prime series na Lolong, Pangil ng Maynila.
04:08Ito rin ang first acting project ni Ashley simula nang lumabas mula sa PBB house.
04:16Napasabak po ako sa action.
04:17So may mga baril-barilan, may mga fight scenes.
04:21So abangan nila ako doon.
04:23Sana matanggap ako ng tao nagpa-fight scenes.
04:25Masaya rin si Ashley na muling makatrabaho si Lolong lead star Ruru Madrid
04:31na nakasama niya na sa ilang eksena.
04:35Ang huling beses ko kasi siyang nakatrabaho. Parang may destiny pa eh.
04:40At si Ruru rin kasi yung isa sa mga artist na nakasama ko nung kakastard ko lang din sa showbiz.
04:45So it's nice to work with him again as adults na.
04:48May pasilip si Solen Yousaf sa kanyang iconic character bilang si Kasyupea na unang reyna ng mga diwata.
04:59Nakadagdag yan sa excitement ng Encantadix lalot confirmed na magbabalik si Kasyupea sa Encantadia Chronicles Sangre.
05:09Speaking of magbabalik, naging usapan din ang 30-second teaser ng Sangre
05:16kung saan tampok ang 2016 Sangres na si Naglaiza de Castro,
05:22Sanya Lopez, Gabby Garcia at Kylie Padilla.
05:27Ang Sangre naman ay pagbibidahan ni na Bianca Umali,
05:32Kelvin Miranda, Faith Da Silva at Angel Guardian.
05:37Kasama rin si Rian Ramos.
05:39Mamayang gabi naman, dapat abangan ang bagong teaser ng Sangre.
05:44O.R. Santiago nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:50Samantala, kabilang ang bengget sa mga pasyalang pwedeng puntahan ngayon pong tag-init.
06:11Ang mga adventure na po pwedeng gawin for the first time sa patikim ng biyahe ni Drew.
06:16There's always a first time.
06:21Narinig niyo na yan siguro.
06:23Is this your first time for...
06:24First time for everything?
06:26Everything.
06:27Mm-hmm.
06:28Sa una sa babot, Gba Akad sa Bago sa Paringin.
06:31At tiga lang.
06:33Hindi niyo pa ako binibreepa. Paano bababa?
06:36Pamihira kayo.
06:36Oh my goodness.
06:40Kasata.
06:40Oh, itong trend na to ah.
06:42Oh, doon muna sa familiar na.
06:44Ito, bugula ko natin si Sir Drew.
06:4750 kilos.
06:48Syempre, nandito tayo sa home court natin.
06:51Kailangan medyo magpayabang tayo.
06:54Tuhod ng igurot to eh.
06:55Ang proud igurot chef na si J.R. Royon, kakabunin natin sa isang one-on-one.
07:03Pero hindi sa kusina, kundi sa tuktok ng kabundukan.
07:07Woo!
07:07Woo!
07:09Yeah, boy!
07:11Wow!
07:13Wait!
07:14I'm first!
07:15I'm first!
07:16I'm first!
07:16Nag-ulat ako doon, man.
07:17Mula sa nakanginig-inigtuhod na adventure, nahinig ko.
07:22So, tadalhin mo na tayo ni Chef J.R. sa kanyang playground sa harap ng kaladyo.
07:31Cheers, brothers.
07:35Fairness.
07:35Fairness, bro.
07:36First time.
07:37First time.
07:37First time.
07:38Mm-hmm.
07:42Bawal muna mag-pass o saka na lang.
07:45Dahil mula rito sa binyet, ihahayin namin ang mga trending at in.
07:49Kaya tune in.
07:52Nadagdag ang isang gubernatorial candidate sa Nueva Ecija sa mga binigyan po ng show cost order ng Comelec.
08:09Dahil po iyan sa mga komento niya sa kalusugan ng kalaban ng kanyang kaalyado.
08:14Kaya hindi na po makapangpanya.
08:44Dahil po sa mga pahayag na yan, pinagpapaliwanag ng Comelec si Nueva Ecija gubernatorial candidate Vergilio Bote kung bakit hindi siya dapat sampahan ng election-related offense o i-disqualify.
08:55Sa ilalim po ng guidelines ng Comelec, maituturing na election offense ang diskriminasyon at harassment sa persons with disability.
09:04Binigyan si Bote ng tatlong araw para sumagot sa Comelec.
09:07Sinusubukan din ang GMA Integrated News na kunan siya ng pahayag.
09:11Bukod kay Bote, pinagpapaliwanag din ang isang mayoral candidate ng silang kavite na si Kevin Anarma.
09:19Kagnay naman po ito sa mga sinabi niya tungkol sa solo parents.
09:23May show cost order din para kay Palawan congressional candidate Abraham o Abraham Khalil Mitra dahil naman sa umano'y vote buying.
09:32Isang buwan bago ang eleksyon 2025, alamin po natin ang mga paghahanda at mga paalalang dapat tandaan mula sa Comelec.
09:44Kausapin po natin si Comelec spokesperson, attorney John Rex Laudianco.
09:48Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
09:51Magandang tanghali po, ma'am Connie, at sa lahat po na taga-subaybay ng Balitang Hali.
09:54Ano na po ang latest na bilang nyo ng election-related violence isang buwan bago po ang eleksyon?
10:01Nang huli po ay siyam po ang naideklara ng ating PNP na nakumpirma po nila na election-related violence.
10:07Ngunit may ilan po nga iniimbestigahan, katulad nga po ng pamamaril dun sa kandidato po sa Albuera Leyte,
10:13at dito na rin po sa Malabang, Salanao del Sur.
10:16Tinitignan po natin maigi kung abidensya ay nagtuturo na ito nga po ay election-related violence.
10:20Pero dahil nga po may na-involve ng kandidato, tinitignan na rin po ni Chairman Garcia na maaari talagang ito ay election-related violence.
10:28I see. At election gun ban, violators na ba? Ilan na po ba ang naitatala naman ninyo?
10:34Kasi talagang sunod-sunod, ito ang mga pagpatay.
10:39Tama po. Nasa 2,250, mahigit na po ang mga nakakasuhan na huhuli patungkol sa paglabag natin sa ating gun ban rules and regulations po, Ma'am Connie.
10:48Alright, kaugnay naman po sa mga kandidatong inisuhan na ng show-cost order po ng COMELEC.
10:53Paano ba isinasagawa ang evaluation kung sasampahan sila ng disqualification o election offense?
10:59Particular na po, sa pagsagot nila ba, ibabase ito?
11:03Tama po kayo. Bukod po dun sa pagsagot po nila, itinitignan din po ang nakalap na ebidensya.
11:08Parti po kasi ang show-cost order ng tinatawag nating fact-finding investigation ng task force safe.
11:14So kung pagkatapos po tumugon sa tingin nila, batay sa ebidensya na akalap at batay sa tugon,
11:19eh na-justify. Yung pagsasabi, maaari pong yun ang katapusan.
11:22Ngunit kung nagtuturo po otherwise na talagang may nalabag sa COMELEC Resolution 11.11.6,
11:28ay talaga pong mauwi ito sa dalawa pagsasampa ng isang kasong verified complaint for election offense
11:33at ikalawa yung motopropria petition for disqualification ng involved na kandidato.
11:38At gano'ng katagal usually po mailalabas yung disisyon?
11:41Alam po natin na yung ating pong complaint for election offense,
11:45pedo magtatagal po ito dahil may kasunod po itong preliminary investigation.
11:49Mas maaaring mas maging mabilis po yung petition for disqualification
11:52dahil once nailagak po sa acting clerk of the commission,
11:55ito'y agad nadiringgin ang ating komisyon ng ating adopt.
11:59At sabi nga po ni Chairman Garcia,
12:01kailangang matapos nila ang mga petition for disqualification bago maghalala na sa gayon.
12:06Malino na sa ating mga kababayan kung sino talaga ang mga disqualified na kandidate.
12:10Marami pong salamat.
12:11Yan po naman si Comelac spokesperson,
12:13Attorney John Rex Laudianco.
12:17Mainit-init na balita.
12:18Nakalabas na sa ospital si Albuera Leyte,
12:21Mayoral Candidate Irwin Espinosa,
12:24na nabaril sa kanang balikat kahapon.
12:27Sa maikling pakikipag-usap sa GMA Integrated News,
12:30sinabi ni Espinosa na mananagot ang nasa likod ng pamamaril sa kanya.
12:35Okay na rin daw ang kanyang pakiramdam.
12:40Dressed in red and black outfits,
12:46dumalo ang cast ng samahan ng mga makasalanan sa premier night kagabi.
12:51Present si na David Licawco,
12:53Joel Torre,
12:55Buboy Villar,
12:56Lizelle Lopez,
12:57Shanti Videla,
12:59Jay Ortega,
13:00at iba pa.
13:01Perfect daw ang samahan ng mga makasalanan
13:04sa mga gustong mag-reflect sa buhay sa Holy Week.
13:08Ang bagay na bagay sa season to at syempre talagang pang-pamilya to.
13:11Si David,
13:13in aming new territory para sa kanya,
13:15ang pagganap bilang pari sa comedy film.
13:19With the help of my director,
13:21and by just sticking to the script,
13:24I think I did pretty well hopefully.
13:26Dumalo rin sa makasalanang premier night,
13:29si na GMA Public Affairs Senior Vice President,
13:32at GMA Pictures Executive Vice President,
13:35Nessa Valdelion,
13:37at Sparkle First Vice President,
13:39Joy Marcelo.
13:41Naroon din ang national artist for film and broadcast arts na si Ricky Lee.
13:46All out support din ang fans at ilang Sparkle stars.
13:51Kasama ang short hair don't care na si Barbie Forteza,
13:54na proud daw sa other half ng barda.
13:57I'm so excited for him.
13:59Alam ko na pinaghirapan niya to.
14:01Lagi niya sinasabi sa akin na this is something new for him.
14:04For her to come here na,
14:06alam niya, to support me,
14:08made time for me,
14:11says a lot about her character.
14:15Matapos ang kinakiligang tambalan sa pulang araw,
14:19ready na kaya si Barbie for another project with David?
14:23Ay sana, oo, dapat.
14:27Oo, gustan-gustan ko na siya makatrabaho ulit.
14:30Walong araw na lang,
14:32kapit na para sa tour sa bayan ng Santo Cristo.
14:36Si Satanas, andun, sa kabilang bayan.
14:39Paano?
14:40Masyado siyang maraming kakumpetensya dito.
14:43Showing na ang samahan ng mga makasalanan starting April 19.
14:48OR Santiago ang nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Recommended
9:36
|
Up next
15:28
10:03
14:10
15:31
12:34