00:00Nagdagdag ng tauha ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport
00:05bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng pasahero sa long weekend kaugnay ng Semana Santa.
00:11Ayon sa ahensya, ito'y pagtugon na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:16na tiyakin ang maayos na servisyo ng pamahalaan.
00:20Nasa kabuo ang 48 immigration officers ang itinalaga ng BI sa NAIA
00:25para matiyak na may tao sa lahat ng immigration counters sa mga oras na dagsa ang mga umaalis at dumarating na pasahero.
00:34Inatasan ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga tauha ng BI mula sa iba't ibang tanggapan sa Metro Manila
00:41na tumulong sa airport operations sa long weekend.
00:45Muli namang nagpaalala ang ahensya sa mga pasahero na dumating ng maaga sa airport sa panahong ito
00:51dahil sa inaasahang mataas na bilang ng mga biyahero.
00:54Sa pagtaya ng BI, nasa 50,000 pasahero kada araw ang inaasahang babiyahe sa nasabing peak season.