00:00Patok na patok ang veggie bouquet sa Tuguegarao City para sa Valentine's Day.
00:04Hinimok naman ang Department of Agriculture, ang publiko, na tangkiliki dito
00:08para makatulong sa kita ng mga magsasaka.
00:11Ang detalya sa balitan pambansa ni Dina Villacampa ng Radyo Pilipinas, Tuguegarao.
00:17Hanap mo ba yung mura, mapapakinabangan, at masustansa na panregalo ngayong Valentine's Day?
00:24Aba, meron yan, ang Department of Agriculture dito sa Tuguegarao City.
00:29Ito, ang veggie bouquet. Hindi flower, kundi kulay.
00:34Ngayon pa lang, hindi na magkamayaw ang Institutional Development Unit ng DA Regional Field Office 2
00:40sa pag-iisip sa kung anong desay niyo ang gagawing gulay arrangement
00:44para sa order ng kanilang mga parokyano ngayong araw ng mga puso.
00:48Sa halagang 400 pesos, mapapasaya mo na ang mga mahal mo sa buhay,
00:53sigurado pa ang kanilang kalusungan.
00:56Patok na patok pa rin siya. Hanggang ngayon ay sila na mismo yung lumalapit sa Department of Agriculture,
01:02sila na mismo pumupunta sa mga stations namin, they order it online,
01:07and we're very glad na yung mga ano natin, via rider, ganun na lang, mabilis din.
01:14Bukod sa DA Regional Office sa Tuguegarao, may inilalako rin veggie bouquet
01:19sa mga substation ng DA sa limang probinsya ng Region 2.
01:23Taong 2021, nagsimula ng DARFO2 ang pag-alok ng veggie bouquet,
01:28ng ideya lamang ay magkaroon ng karagdagang kita ang mga magsasaka noong pandemia.
Comments