00:00Business-minded ka ba? Ngayong 2025, mainam daw na simulan na ang ninanais mong negosyo.
00:06Pero kung wala pang naisip, heto ang ilang business ideas sa report ni Katrina Son.
00:13Nang nauso ang work from home nitong pandemic, sumabak sa pagnenegosyo ang empleyadong si Roxanne.
00:19More online of food business kami. Iyon yung naging bread and butter namin ng husband ko.
00:26Natigil siya ng magbalikan na on-site ang mga trabaho.
00:30Ngayong 2025, balak daw mag-business muli ni Roxanne kahit napapaisip dahil mahal ang mga bilihin.
00:38Additional income po kasi so far since magdadalawa na yung college po, kailangan po natin ng extra income.
00:45Si Gina Lynn naman, ready to wear clothes ang negosyo noon.
00:49Natigil man, nag-iipon daw siya para makapagsimula muli.
00:53Kung sakaling mabigyan ng chance magkaroon ng puhunan, kasi mas sanay na ako sa in and out.
00:59Ano naman kaya ang nais na negosyo ng iba kung sakali?
01:03For me, it's coffee shop kasi lahat naman tayo nahihilig na sa coffee.
01:08Mga pastries. Feeling ko hinahanap-hanap pa rin nila yung mga pagkain na something to parang mababao nila.
01:15Pasaan, mga parisan. Filipino naman, mahilig kumain.
01:20Sabi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI, magandang magsimula ng negosyo ngayong taon online man o may puwesto o brick and mortar.
01:31There are many internet users now and so it's easy for them to go into the internet.
01:38So e-commerce will even grow more than 20 percent.
01:44Ang forecast ng PCCI, magiging patog ang food stall business dahil mabilis at madaling pasukin.
01:51Sunod ang freelancing sa digital media o creatives.
01:55Maari rin daw subukan ng mobile car wash, lalo't dumarami ang mga may sasakyan.
02:00Maganda rin daw ang solar energy business dahil marami na ang nag-adopt ng sustainable living.
02:06Hindi rin daw mawawala ang wellness centers para sa mga health conscious o nais malelax from everyday stress.
02:13At anumang pet related business, lalo't maraming nag-aalag ngayon ng aso o pusa.
02:20Iba pa rin daw ang may sariling negosyo kahit maliit lang.
02:24Pero para mapaonlan ito, dapat samahan ng sipag at syaga at humanap ng mentor para magabayan.
02:31Most of the successful businesses, they all were micro before.
02:36They were small. If you fail, stand up right away and even do better.
02:42Mas fulfilling kasi mas malaki siya yung kinikita niya sa totoo. Mas malaki siya sa 8 to 5 job.
02:48Katrina Son, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments