00:00Mga Kapuso, nadagdagan pa ang mga lugar na isinailalim sa wind signal dahil sa Bagyong Marse.
00:09At maki-update tayo sa lagay ng panahon kasama si Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor.
00:16Salamat Miss Vicky. Mga Kapuso, lalong bumagal ang pagilos ng Bagyong Marse.
00:22Bagay po na lalong nagpapalaki ng banta ng pinsala sa mga lugar na mahagip ng malalakas na hangin at ulan na dala ng bagyo.
00:29Nakataas na ang signal number 3 sa northeastern portion ng mainland Cagayana.
00:34Signal number 2 naman dito sa Batanes, natitirang bahagi po ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands.
00:39Ganun din dito sa northern portion ng Isabela, Apayaw, northern portion ng Kalinga, northern portion ng Abra,
00:45Ilocos Norte at pati na rin sa northern portion ng Ilocos Sura.
00:50Signal number 1 naman dito po sa natitirang bahagi po ng Ilocos Sura, La Union, northwestern portion ng Pangasinana,
00:57natitirang bahagi ng Abra at ng Kalinga, mountain province Ifugawa, Benguet at natitirang bahagi po ng Isabela.
01:04Nakataas din ang signal number 1 dito po yan sa Quirino, Nueva Vizcaya at pati na rin sa northern portion ng Aurora.
01:11Inaasahan po sa mga nabanggit na lugar, mararamdaman na po yung malakas na bugso ng hangin.
01:16Magiging maalon kaya delikadong pumalaot din sa mga baybayin po ng northern Luzon.
01:21Sa western seaboards ng northern Luzon at dito rin sa eastern seaboard ng central Luzon.
01:27Sa forecast po ng pag-asa, so kanina po wind signal, yan po ay babala sa malakas na hangin.
01:32Ngayon pag-usapan po natin yung mga pag-ulana.
01:35Intense to torrential o mga matitindi at halos tuloy-tuloy po ang mga pag-ulana.
01:39Dapat paghandaan ng mga residente dyan po sa Cagayan, Apayaw at pati na rin sa Ilocos Norte.
01:45Malalakas din po sa Batanes, Abra at pati na rin sa Ilocos Sur.
01:49Habang meron naman tayong mga katamtaman hanggang sa mga malalakas sa pag-ulana.
01:53Sa Isabela, ganun din sa Calinga, Pangasinan, Mountain Province at pati na rin sa La Union.
01:58Kaya doob diingat at mag-i-alerto po sa banta ng mga pagbaha o landslide.
02:02Huling namataan ang typhoon Marce, 295 kilometers, silangan po yan ng Apay, Cagayan.
02:08Taglay nito ang lakas ng hangin nga abot sa 150 kilometers per hour.
02:12At pabugso ang papalo naman sa 185 kilometers per hour.
02:16Mabagal po yang kumikilos ngayon, pakanluran.
02:19Paliwanag po ng pag-asa, bumagal ang kilos ng bagyong Marce.
02:23Dahil sa ngayon, wala pong ibang weather systems na tumutulong po dito para ito ay mabilis na makausad o makagalaw.
02:30At dahil nga po bumabagal, mas mabababad po sa mga malalakas na hangin at ulan na dala nito,
02:36yung mga lugar na sako po ng sirkulasyon at maging non-trough o yung buntot ng bagyo.
02:42Sa latest forecast track po ng pag-asa, posibling bukas ng hapon hanggang sa bienes po ng madaling araw,
02:47magiging ganito po yung movement nito.
02:49So posibly po na maglandfall yan o di kaya naman dumikit yung centro ng bagyo.
02:53Dito po yan sa may Babuyan Islands o kaya naman sa northern portion ng mainland Cagayan.
02:59At saka po nito, tutumbukin itong bahagi po ng Apay o hanggang sa marating naman itong ilang bahagi po ng Ilocos Norte.
03:06Bienes naman ang gabi, posibly pong nasa labas na yan ng Philippine Area of Responsibility.
03:11Pero mga kapuso paalala, posibly pong magkaroon ng mga pagbabago sa pagkilos ng bagyo, kaya patuloy pong umantabay.
03:18Base po sa datos ng Metro Weather, magdamag mamaya, concentrated po yung mga matitinding pagulan.
03:24Dito po yan sa northern Luzon at pati na rin sa extreme northern Luzon.
03:28Kasama po yan, yung Batanes, ganun din.
03:30Ang Babuyan Islands, Cagayan, Isabela, pati na rin po ang Apayaw, Ilocos Norte at ilang bahagi ng Isabela.
03:38At ganun din po dito, sa ilang bahagi pa ng Aurora.
03:41Hagip din po ng mga pagulan.
03:42Magtutuloy-tuloy po yan kinaumagahan, kaya po mataas po ang banta ng mga flash flood at ganun po ng landslide.
03:49At bago magtanghali, hanggang hapon at gabi naman, posibly po yung mga kalat-kalat na pagulan.
03:54Dito yan sa may Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at pati na rin sa Bicol Region.
03:59May mga malalakas sa pagulan din, kaya maging alerto.
04:02Dito naman sa Metro Manila, may chance rin po ng mga pagulan, lalong-lalong na pagsapi po ng hapon at sa gabi.
04:09Posible rin umulan sa ilang bahagi po ng Visayas at Mindanao.
04:12At meron po mga malalakas sa pagulan.
04:14Dito yan sa Negros Island Region, pati na rin po sa Leyte Provinces, at dito sa halos buong Mindanao.
04:22At yan ang latest sa lagay ng ating panahon.
04:24Ako po si Amorla Rosa. Ito ang GMA Integrated News Weather Center.
04:28Maasahan anuman ang panahon.
Comments