Skip to playerSkip to main content
Nagsimula na ngayong araw ang paghahain ng certificates of candidacy para sa national at local positions sa darating na Eleksyon 2025.

Ang buong ulat sa balitang #DapatAlamMo, panoorin sa video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Umarangkada na ang unang araw na paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbo para sa national at local positions.
00:0618,280 na ang mga posisyon ang paglalabaran sa buong bansa.
00:12Yan ang ating dambuhalang balita ngayong gabi.
00:19Pagpatak ng alas 8 ng umaga,
00:21nagsimula na ang pila sa The Manila Hotel para sa mga maghahain ng Certificate of Candidacy sa pagkasenador.
00:28At Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination para sa party list.
00:34Sa mga lokal na tanggapan ng COMELEC naman,
00:37ginawa ang paghahain para sa mga lokal na posisyon.
00:40Habang sa COMELEC NCR office sa San Juan,
00:43ang paghahain ng COC sa mga tatakbong kongresista
00:46ng mga lungsod at bayan sa Metro Manila.
00:48Malapiesta ang sitwasyon sa labas ng The Manila Hotel.
00:51Kanya-kanyang gimmick kasi ang mga taga-suporta at kampo ng ilang aspirant.
00:56Nilino naman ng COMELEC na hindi pa ito maituturing na premature campaigning.
01:00Sila daw po ay kandidato lang sa unang araw ng campaign period.
01:03Inuulit natin sa February 11 sa national position,
01:06sa senador at sa party list at March 28 sa local positions.
01:10Inanunsi naman ng COMELEC na delisted at kansilado na ang registration ng 42 party list organizations.
01:17Sila yung mga hindi nakilahok, hindi nakakuha ng kahit 2% na boto
01:22o hindi nanalo ng pwesto sa dalawang nakalipas na eleksyon.
01:25Sa kasalukuyan may 170 na party list.
01:28160 na grupo naman ang inaasahang makikilahok sa darating na eleksyon.
01:33Sa party list they will be required to submit 10 nominees
01:36and after October 8 we will no longer allow any substitution of nominees
01:41except in case of debt or disqualification.
01:44Ipinaaalala rin ng COMELEC na ang paghahain ng COC ng isang aspiring candidate
01:49ay pwedeng in person o sa isang authorized representative.
01:53Ipagubawal na rin ang substitution kapag tapos na ang filing of COC.
01:57At ang tanging papayagan lang ay kung namatay ang isang kandidato o na disqualified
02:03pero dapat pareho ang apelyidong nakaimprenta sa balota.
02:07Tatagal ang paghahain ng COC hanggang October 8.
02:10Hanggang November 30 naman,
02:12sasalain ng COMELEC ang mga naghahain ng COC para tanggalin ng tinatawag na nuisance candidates.
02:17Tatandaan po ng lahat, hindi porkit walang pinag-aralan ay nuisance na.
02:21Hindi porkit walang tahanan o walang bahay o walang ari-arian ay nuisance na.
02:26Hindi po dapat gano'n.
02:27Ang pagiging nuisance ay dapat na-exercise namin ng tama
02:30sapagkat baka naman maya maya may naisan tabi tayo ng mga kandidato dahil amang sa katayuan sa buhay.
02:36May gitlabing walong libong pelasyon ang pagbabotohan sa buong bansa sa 2025 national and local elections.
02:44Kabilang diyan ang 12 senador, 63 party list representatives, at 254 mga kongresista.
02:52Sa unang pagkakataon sa BSAR in Muslim in the Now, 25 members of parliament at 40 BARMM representatives.
03:01Nakatakda sa Noviembre ang filing ng COC sa BARMM.
03:06Para naman matiyak ang siguridad sa COC filing,
03:09nagtalaga ang PNP ng nasa 36,000 tauhan sa buong bansa.
03:39.
Comments

Recommended