00:00Problemado sa pantusto sa kanilang pamilya ang mga manging isda sa Sablayan Occidental Mindoro.
00:06Hanggang ngayon kasi hindi pa sila nakakapalaot dahil po sa masungit na panahon.
00:10My ulit on the spot, si Bam Alegre.
00:13Bam?
00:18Connie, dahil sa sunod-sunod na sama ng panahon,
00:21ay apektado rin yung kabuhayan ng mga manging isda,
00:24lalo na rito sa Barangay Buenavista sa Sablayan Occidental Mindoro.
00:30Sumisilip na muli ang araw dito sa Sablayan,
00:32pero nananatili pa rin nakatali ang mga bangka sa Sitio Tabuk.
00:37Malakas pa rin daw kasi ang alon,
00:39kaya wala pa rin silang clearance na maglayag
00:41dahil sa sunod-sunod na sama ng panahon,
00:43mula sa Bagyong Ferdi, Henner, hanggang Helen.
00:46Ilang araw na tuloy nagpapalipas na lang ng oras
00:48ang isa sa mga manging isdang nakausap natin kanina.
00:51Nagaalala kung paano kakain ng kanyang pamilya habang di sila makapaglayag.
00:55Karamihan kasi sa mga manging isda,
00:57ipinapangutang lang ang kanilang puhunan sa paglalayag.
01:00Kaya nakabantay pa rin daw sila sa lagay ng panahon.
01:03Posible raw, nasa Sabado, payaga na silang makapamalaot.
01:06Pakinggan natin ang pahayag ng isa sa mga manging isda
01:09na naghihintay ng mas mabuting panahon
01:12at punong barangay din ng Barangay Buenavista.
01:18Hindi talaga kami makalaot sa aming lagat
01:23dahil apektado talaga silang aming hanap buhay sa paglalayot.
01:30Kaya kami ngayon ay nandito kami, tambay sa tabi.
01:36Ang epekto dito sa Sitio Tabok particularly ay maalon.
01:41Tsaka siyempre sa lakas ng ulan, hindi makapangisda yung mga bankero natin.
01:47Kaya nakatambay sila.
01:48Kanye sa ating likuran, ito yung bahagi ng ilog na nagsilbing shelter
01:56ng mga banka noong samaan ng panahon para makaiwas sa pinsala.
02:01Makikita ninyo, ang dami nakatali.
02:02Sa estimate ng pamunuan ng barangay,
02:04mahigit isang libu rin yung mga manging isda na apektado nga
02:08noong samaan ng panahon.
02:09Ito ang latest mula rito sa Sublime Occidental Mindoro.
02:12Bam Alegre para sa GMA Integrated News.
02:18Kapuso, para sa mga maiinit na balita, mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube.
02:31Sa mga kapuso naman abroad, subaybayan nyo kami sa GMA Pinoy TV at sa www.gmanews.tv.