Bukod sa pagbibigay ng kanyang message of hope para sa lahat ngayong panahon ng crisis na dulot ng COVID-19, nagbigay rin ng ilang tips si Jasmine Curtis Smith para sa mga naka-home quarantine na katulad niya.
Sabi ni Jasmine, maraming stressed at nagkaka-anxiety dahil sa ipinatutupad ng gobyerno na Enhanced Community Quarantine.
Kaya para maiwasan ang anxiety, payo ni Jasmine ay humanap ng mga bagay na magagawa sa bahay.