Eroplano, nag-crash sa Long Island at muntikan nang matamaan ang isang natutulog na baby!

  • 9 years ago
Eroplano, nag-crash sa Long Island, muntikan nang matamaan ang isang natutulog na baby!

Isang single-engine na eroplano ang nag-crash sa bakuran ng isang bahay sa Long Island, Martes ng umaga, kung saan namatay ang piloto.

Si Hanan Shoshani, isang 53-year-old na ama ng limang bata, mula sa Jamaica Estates, Queens, at nag-takeoff 8:50 ng umaga mula sa Republic Airport sa East Farmingdale, at magla-landing dapat sa MacArthur Airport sa Ronkonkoma.

Bandang 9 ng umaga, nag-radio siya sa isang Islip air traffic controller, at humingi ng tulong dahil sa low visibility.

Ayon sa mga saksi, nag-crash siya, ilang minuto lamang ang nakalipas, sa isang bahay na may 30 yards lang ang layo sa katabi nitong bahay. Nagawang i-twist ng piloto ang eroplano, para mag-landing ito sa bakuran, at para wala itong matamaang ibang bagay.

Sa isang bahay, kinuha ng isang ina ang kanyang isang taong gulang na baby, tumakbo palabas at palayo mula sa crash site. Hindi daw nagising ang baby habang nangyayari ang lahat ng ito.

Nawasak ng eroplano ang mga puno nang nag-crash ito, at nagkalat ang apoy hanggang sa third floor ng bahay, na mabilis ring napatay.

Si Shoshani ay nakumpirmang patay sa eksena. Iniimbestigahan ng National Transportation Safety Board ang insidente, at makikipagkita din sila sa manufacturers ng eroplano at engine. Iniimbestigahan din ito ng Federal Aviation Administration.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended