Elan Gale vs. Diane in 7A: ang kanilang Thanksgiving war sa loob ng isang eroplano

  • 9 years ago
Elan Gale vs. Diane in 7A: ang kanilang Thanksgiving war sa loob ng isang eroplano

Ang producer ng reality TV series na "The Bachelor" na si Elan Gale ang pinakabagong viral hero ng Twitter -- matapos niyang i-live-tweet ang kanyang pakikipag-away sa isang kapwa niya pasahero sa isang flight mula sa Phoenix, itong nakaraang Thanksgiving.

Ang flight ni Elan ay na-delay, nang marinig niyang makasariling nagrereklamo ang isang babaeng pasahero, sa isang flight attendant.

Dahil sila ay hindi pa nakakalipad at wala rin siyang magawa, nag-live tweet si Elan tungkol sa mga pangyayari sa kanyang mga followers sa Twitter.

Matapos pakinggan ang makasariling pagrereklamo ng babae, pinadalhan ni Elan ang babae ng isang basong alak, at hiniling niya rin n asana ay tumahimik na ito.

Hindi natuwa ang babae sa ginawa ni Elan, at ditto nagsimula ang kanilang giyera.

Nagkunwari si Elan na siya ay papunta sa banyo, pero nang daanan niya ang babae, ay inabutan niya ito ng mas maraming alak.

Mas lalong naimbiyerna ang babae! Nagpasahan sila ng sulat sa loob ng eroplano, samantalang ang mga followers ni Elan ay inaabangan ang susunod na mga pangyayari sa Twitter.

Nang mag-landing ang eroplano, nag-abot si Elan ng isang huling sulat sa babae...at masasabing hindi pa rin ito natuwa.

Mas hindi ikinatuwa ng babae, na si "Diane in 7A," ay hindi niya naabutan ang kanyang connecting flight, samantalang si Elan ay umabot sa kanyang connecting flight papuntang LA, kung saan siya ay sinundo ng kanyang ina -- na may mensahe rin para kay Diane...


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended