Cellphone charms na mukhang pagkain, muntikan nang kainin ng isang gutom na lalaki!

  • 9 years ago
Cellphone charms na mukhang pagkain, muntikan nang kainin ng isang gutom na lalaki!

Isang homeless na lalaki ang naaresto matapos siyang mag-shoplift ng apat na accessories para sa cellphone, itong nakaraang Lunes, sa Yamagata station, sa labas ng Tokyo.

Ayon sa nagbabantay sa tindahan, ang suspect ay nakitang pagala-gala at labas-pasok sa waiting room ng dalawang linggo, dahil wala siyang ibang mapuntahan.

Nagnakaw daw ito ng tatlong charms na may korteng Dadacha-mame, isang soybean na mula sa Yamagata. Nagnakaw din ito ng isa pang Yokan charm, isang Japanese dessert. Ang halaga ng kanyang ninakaw ay nasa 2,400 Yen, o 24 USD. Sa sobrang gutom ng lalaki, ay kakainin na daw niya sana ang mga pastic charms, pero nahuli siya ng nagbabantay sa tindahan.

Ayon sa pulis, walang pera ang lalaki, at walang makain, kaya naisipan niyang nakawin at kainin ang mga charms na mukhang pagkain. Kawawa naman! Sana ay bigyan siya ng pagkain at pagsabihan na lang imbes na siya ay ikulong.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended