00:00Nagsettle sa isang bronze medal finish ang duo ni National Filipina Tennis Ace Alex Ayala at Frances Alcantara matapos silang kapusin kontra kina Pacharin Chip Chandej at Pauwit Sorin Laksop 75-57-710 sa mixed double semifinals kahapon.
00:17Susubukang bumawi ni Ayala sa kanyang kampanya sa Women's Singles Tennis Tournament ngayong araw kung saan makakaharap niya ang home bet na si Manachaya sa Wangkau sa National Tennis Development Center.
00:30Samantala, apat na Filipino boxers naman ang uusad sa gold medal match ng kani-kanilang debisyon matapos silang manalo kahapon.
00:38Tutulak na sa finals ang Paris Olympics bronze medalist na si Ira Villegas matapos siyang maungusan ang pambato ng Myanmar sa kanilang Final Four match kahapon.
00:49Dominante rin ang ipinakitang performance ang kanyang Olympics teammate na si Numer Marshall na nanalo rin sa kanyang laban kahapon.
00:56Pinatumba ng Filipino boxer si Nguyen Mancong ng GetNom sa kanilang semi-final match sa Men's Light Heavyweight Tournament.
01:04Makaharap ng Tokyo Olympics bronze medalist ang Indonesian boxer na si Mikel Robert Mosquita sa gold medal match.
01:11Pasok na rin sa finals ng kani-kanilang weight class si J. Brian Baricuatro at Flint Jara.
Be the first to comment