Boxer/porn star/Yakuza bodyguard, naaresto dahil pinaputol niya ang daliri ng isang lalake!

  • 9 years ago
American Boxer/Porn Star/Yakuza Enforcer, pinutol ang daliri ng isang lalake!

Isang Tokyo office worker ang nagsasabing hinamon siya ng dating champion boxer na si Eugenio-Gomez. Naaresto ito, kasama ang dalawang lalake -- lahat sila ay pinagsususpetyahan ng pagiging Yakuza Enforcer.

Si Gomez, na isang American citizen, ay isang champion boxer sa Japan. Noong 2009, nagsimula siyang magtrabaho sa adult video industry sa Japan, at siya ay naging bodyguard ng isang elite member ng Yakuza.

Noong May 27, may nag-utos ng shake-down sa Shinjuku District sa Tokyo, at pinalada si Gomez at dalawa pang lalake na takutin ang isang lalaking hindi nagbayad ng utang. Binigyan nila ang lalake ng dalawang pagpipilian: magbayad, o putulin ang sarili niyang daliri.

Sa tatlong naaresto, isa pa lang ang nakakasuhan; ayon kay Gomez, habang nasa eksena siya nang nangyayari ang pananakot sa biktima, hindi daw niya hinamon o tinakot ang lalake.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended