Lalake, naaresto para sa pagbigay ng heroin injection sa maliit na pusa!

  • 9 years ago
Malupit na lalake, in-inject ng heroin ang isang pusa; naaresto para sa animal cruelty.

Isang lalake sa Pennsylvania ang makukulong, matapos siyang mahuling ini-injectionan ng droga ang isang maliit na pusa noong Linggo.

Napansin ng Chester County Police ang kakaibang aktibidad sa loob ng kotse ni James Myer, na naka-park sa gitna ng kalsada.

Napansin ng mga pulis ang 24-year-old na drug addict, na sinasakal ang isang maliit na pusa, at binibigyan ito ng heroin!

Ininspeksyunan ng pulis ang sasakyan ni Myer at natagpuan nila ang dalawang dosenang bag ng heroin, limampung hypodermic needles, at daan-daang gamit na bag na dating naglalaman ng droga.

Sinugod ng mga awtoridad ang kawawang 10-week-old na pusa, sa isang nalalapit na animal hospital, kung saan binigyan ito ng beterinaryo ng narcan – isang gamot na karaniwang ginagamit sa mga overdose patients.

Si Myers ay haharap sa mga kasong animal abuse at possession of narcotics. Ang kanyang bail ay naka-set sa 25 thousand dollars cash, na ipnagdarasal naming hindi niya mababayaran, dahil hindi na siya dapat na makalaya hangga’t gumagamit siya ng droga.

Buti na lang, at nagpapagaling na ang kawawang pusa.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended