Lalake, naaresto dahil itinakas niya ang isang firetruck para sa isang date, sa Pennsylvania!
  • 9 years ago
Lalake sa Pennsylvania, dinala ang isang babae sa isang tatlumpung minutong firetruck joyride!

Hindi kami makapagdesisyon...ang lalaking ito ba ay masyadong lulong sa video games, o masyadong maraming beses na pinakinggan ang kantang 'Joyride' ng Roxette?

Ang 47-year-old na si Randy Allen Davidson ng Bridgewater Pennsylvania ay ginamit ang kanyang sasakyan para mapabilib ang isang babae.

Pero noong Mayo, ni-report ng Beaver County Times na nakulong si Davidson dahil sa kanyang joyride, kasama ang isang babae!

Hatinggabi na nang pinasok ni Davidson ang isang fire station, at ninakaw ang susi sa isang firetruck. Akala niya ay walang nakakita sa kanya, pero nakita siya ng mga firefighter.

Si Davidson -- na hindi firefighter -- ay ginamit ang firetruck sa isang date, at nagtawag ng pulis ang mga bumbero.

Matapos ang tatlumpung minutong pamamasyal sa loob ng firetruck, ay natapos ang adventure ni Davidson. Binalik niya ang firetruck sa fire station, binalik ang susi kung saan niya ito kinuha, no harm no foul...pero naghihintay sa kanya ang mga pulis! Buking!

Bilang pagtatapos, gusto naming i-report na ayon sa mga survey, karamihan ng mga babae ay mas gusto ang eye contact at bulaklak, kaysa sa mga ganitong klaseng joyride.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended