Awit ng Isang Alagad Lyrics Composed by Mr. Ronald Serran
Panginoon ko ang buhay mong bigay Ay minsan lang nagdaraan sa akin Kaya bilang isang pag-aalay Ang buhay ko'y ihahandog sa Iyo
Katulad ko, marami ang tinawag mo Upang humayo't maglingkod sa ngalan mo Tanging hiling at lagi nang dasal Maging mapalad sanang tanggapin
Turuan mong maging bukas palad At matutong mabuhay ng banal Kaya bilang isang pag-aalay Ang buhay ko'y ihahandog sa Iyo
Katulad ko, marami ang tinawag mo Upang humayo't maglingkod sa ngalan mo Tanging hiling at lagi nang dasal Maging mapalad sanang tanggapin
Tanging pangarap ko, sana'y bigyang daan Sa landas ko'y hawiin ang buhawi ng gulo Ang ulap na nagsisilbing dilim sa langit ko Tunawin at gawing ulan, laan sa buhay kong tigang Mula sa pagkakasala, ako'y muling ibangon mo At umasa kang maglilingkod sayo..
Be the first to comment