00:00Hindi pa ako ng gamit ng job, nangyayin na po ako.
00:03Pag nakagamit po ako, piling ko po ang gwapo-wapo ko.
00:07Aminado ang lalaking yan na pumabatak siya ng iligal na droga
00:11ng mahuli ng mga otoridad sa bybust sa Malaya Street
00:15sa barangay Malanday, Marikina City nitong biyernes ng gabi.
00:18Tatlong lalaki at dalawang babae ang naaresto.
00:21Ayon sa pulisya, ilang buwan silang nagmanman
00:24matapos makatanggap ng sumbong sa mga residente
00:27tungkol sa umano'y panggugulo ng mga sospek sa lugar.
00:31Ang sinasabi nga ng mga residente ron,
00:33yung mga parokyan nitong bilihan ng shabu na ito,
00:37nagkakagulo sila minsan.
00:39Nadadamay yung ibang mga dumadaan doon.
00:42Yung iba ay kahit natatutulog, nabubulaho
00:45dahil nga sa ingay nitong mga tao na ito.
00:47Nasamsam sa mga sospek ang mahigit 31 gramo ng ininalang shabu
00:51na nagkakahalaga ng mahigit 200,000 piso.
00:54Nakuha rin sa isa sa mga sospek ang isang kalibre 22 na baril.
00:59Itong mga sospek natin, mga dati nang nahuli rin sa pagtutulak
01:04at paggamit ng pinagbabawal na gamot.
01:07At itong sospek natin na ginagamit niya yung kanyang tindahan parang front.
01:14Tindahan lang siya, pero doon na sila nagkakaroon ng transaksyon
01:19sa pagbebenta ng pinagbabawal na gamot.
01:22Tumangging magbigay ng pahayag ang ibang mga sospek
01:24habang ang isa, itinatangging sangkot sa bentahan at paggamit ng shabu.
01:30Digla na lang nagkagano naman eh. Nagkagulo.
01:33Ano ba magamit po kayo?
01:34Hindi ako magamit.
01:35Siguro po kausap na lang po ako ng lawyer.
01:38Nakakulong na ang mga sospek na maaharap sa reklamong paglabag
01:42sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
01:45Karagdag ang reklamong illegal possession of firearms naman
01:48ang kakaharapin ng isa sa mga sospek.
01:51Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.