00:00Bukod sa grill, sa bintana, naging pahirapan din ang pag-apula ng sunog at pag-rescue sa mga na-trap
00:08dahil sa nasirang bahagi ng nasunog na gusali.
00:12Ang live update mula mismo roon sa Tondo, Maynila, sa pag-tutok ni Oscar Uyga.
00:18Oscar?
00:22Yes, Mel, yung nabanggit mong nasirang bahagi, yan yung hagdan paakyat ng gusali.
00:28Yan ang gailan kung bakit may mga na-trap sa taas.
00:37Nasusunog at balot na makapalausok ang isang tatlong palapag na bahay sa may Santa Cristo Street, Tondo, Maynila,
00:44nang respondean ito ng mga bumbero alas 10 ng umaga.
00:48Nag-ugat-umanong lahat sa isang malakas na pagsabog mula sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kusina.
00:56Sa tindi ng impact, pati ang kongkretong pader ng kataming bahay e nawasak.
01:02Nagkapinsala rin ang iba pang bahay sa paligid nito.
01:06Pero hindi lang ang mga pader ang nawasak.
01:10Kasi nung sa explosion, nag-ibay yung hagdanan.
01:13So sinubukan po sila ng mga tao, ng mga bumbero, doon sa taas.
01:20Pero hindi siya makukuha.
01:22Kinailangan tuloy na tumuntong sa isa't isa ang mga bumbero
01:26para makarating sa ikatlong palapag para ma-rescue ang mga na-trap.
01:31Inangat po ako ng volunteer na...
01:34Sa balikat?
01:34Sa balikat po.
01:35Tapos pag angkat niya sa akin, nakasampa po ako sa gilid.
01:38Yung firing po niya.
01:39Sinong inuna mong ibaba?
01:41Dalawang bata po.
01:42Tapos lumabas po silang lahat dito sa...
01:44Maliktas na?
01:45Opa.
01:45Tapos mula din, dito, dinala po natin sa...
01:49Immediate muna na EMS natin na nandito.
01:52Then, upon recommendation, dinala po sila sa hospital.
01:56Dahil din sa lasirang hagdan,
01:58kaya paahirapan din ang pag-recover sa labi na mag-inang nasawi
02:01matapos matrap sa second floor.
02:04Sa ngayon, ay patuloy pa rin tinutukoy ang mitsa ng pagsabog.
02:08Kabilang sa inaalam, ay kung may sumingaw na LPG.
02:13May narinig po silang explosion.
02:15Sa ngayon lang po is yung explosion.
02:18Magkakaroon po muna tayo ng malalimang investigasyon
02:21para malaman kung ano po yung pinagmulan.
02:28Samantala, Mel, mag-aala 5 na ng hapon
02:31nang mailabas ang bangkay ng mga nasawi
02:34sa nangyaring sunog.
02:36Sa mga sandaling ito naman, ay abala ang mga residente
02:39sa paglilinis ng mga kalat dito sa lugar
02:42bunsod na nangyaring pagsabog.
02:44Wala na rin dito yung mga tauhan ng Bureau of Fire Protection
02:48at ng mga pulis sa mga sandaling ito.
02:51Mel?
02:52Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.