00:00Wasak ang isang kotse matapos mahulog mula sa ika-apat na palapag ng isang gusali sa Makati.
00:07Agad binawian ang buhay ang driver.
00:10At nakatutok si JP Soriano.
00:15May mga tao pa naman sa Jimenez Street ng Makati City, mag-aalas 12 ng tanghali,
00:21nang biglang bumagsak ang isang kotse mula sa katabing gusali.
00:25Galing pala ang sedan sa parking lot na nasa 4th floor ng isang service apartment.
00:30Ayon sa mga saksi at ilang first responders, agad binawian ang buhay ang lalaking driver ng kotse.
00:36Halos mapipirin ang kotse habang kumalat naman sa kalsada ang ibat-ibang bahagi nito.
00:43Sa lakas po ng impact ng pagbagsak ng sasakyan ay umabot po na may 15 to 20 meters yung mga
00:49debris o salamin na nabasag
00:51dito po sa bahagin ito ng Jimenez Street, dito sa barangay San Lorenzo sa Makati City.
00:57Hindi pa malinaw kung bakit at paano nahulog ang kotse mula sa parking ng gusali.
01:03Ayon sa ilang saksi, may narinig muna silang malakas na tunog sa building bago nangyari ang pagbagsak.
01:09Yung impact muna ng pagtabanggan niya, yun muna. Tapos maya-maya, yung pinakamalakas yung bagsak na ng kotse niya.
01:17Kaya nagtakbuhan kami.
01:20Palaisipan din sa barangay officials kung paano nalaglag ang kotse.
01:25Yung paglalaglag sa parking lot, actually, maandar siya dahil spiral driveway siya.
01:30Yung mismong parking?
01:32Yeah, nakatapat doon sa paikot. So malamang umaandar yan.
01:36Did he have a medical situation? Di natin alam. Kaya nawalan ng kontrol.
01:41Inaabangan pa ang resulta ng pagsusuri ng mga dumating na miyembro ng scene of the crime operative sa Soko.
01:46Naging emosyonal naman ang isang babaeng dumating sa lugar ng insidente.
01:51Bagaman hindi pa malinaw kung ano ang relasyon niya sa nasa wing driver.
01:55Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng gusali na pagmamayari ng isang tenant ang sangkot na sasakyan.
02:02Nakikipagtulungan na sila sa mga otoridad at patuloy na nakikipagpugnayan sa mga sangkot habang isinasagawa ang imbistigasyon.
02:10Tumangging magbigay ng pahayag ang Makati Police at ang Police Investigator.
02:17Mahigit apat na oras ding isinara sa daloy ng trafik po ang Jimenez Street bago nakungha ng towing truck ang
02:24nahulog na sedan.
02:25Ako po si JP Soriano. Nakatutok 24 oras.
02:29Ako po si JP Soriano. Nakatutok 24 oras.