00:00Ilang tulay sa Bagao, Cagayan, ang sarado ngayon sa mga motorista.
00:04Ayon sa Bagao Information Office, hindi pa madaanan ang Mosimok Bridge at Bagunot Bridge,
00:11matapos malubog sa tubig dahil sa pag-apaw ng mga ilog.
00:15Bukas naman na ang isang lane ng Taytay San Isidro Bridge.
00:19Patuloy na binabantayan ang sitwasyon ng mga tulay dahil umuulan pa rin po doon.
00:24Ayon sa pag-asa, apektado ng shear line ang Cagayan, pati ang Isabela.
00:28Inapaalalahanan ang mga residente na mag-ingat at maging alerto sa posibleng baha kasunod ng ulan.
Comments