00:00Mga kapuso, reminder lang po ulit, 35 days na lang, naku, Pasko na po.
00:07At marami ang makakatanggap na naman ng bonus, sana nga, at 13th month pay.
00:12At in this economy, for sure marami ang makakaisip na palaguin ang pera kaysa gastusin lahat.
00:19Pero mag-ingat po at baka mas-scam kayo.
00:23Naku, eto na nga po may mag-asawang senior citizen na nabiktima ng isang investment scam.
00:31Bawawa naman.
00:39Inalok daw sila ng kanilang kakilala na mag-invest sa cryptocurrency trading.
00:44Una, nagbigay sila ng 10,000 pesos cash.
00:47Ang pera galing daw sa pension nilang mag-asawa at ang pangako raw sa kanila, kikita ito ng 88,000
00:55pesos sa loob lang ng 105 days.
00:58Dahil raw sa kagustuhan nilang kumita ng mas malaki, isinangla nila ang kanilang bahay para makapag-invest ng 215,000
01:07pesos.
01:08Pag-usapan po natin yan.
01:09Ask me, ask attorney Gabby.
01:21Attorney, ano ba ang habol ng mga nabibiktima ng ganitong scam?
01:25Mababawi pa ba nila ang pera ang sakaling mahuli ang suspect?
01:29Paano kung nagastos na ang kanilang pera?
01:31Well, naku, kapag sa mga kamay talaga ng scammer na punta ang pera ninyo, malamang ay mahihirapan na po kayong
01:38mahabol yan.
01:39Hindi natin alam kung talagang may cryptocurrency transactions na naganap or kung ito ay loko-lokohan lang talaga.
01:46Dahil napaka-creative na ng mga scammer at hindi sila nauubusan ng mga bagong paraan para mangingganyo ng tao para
01:54makumbinsin at makumaloko sila na mag-invest ng malaking sum ng pera.
01:59Ang dami ng ginawang modus para sa mga scam na yan.
02:03May mga nausong paluwagan scam, may mga love and friendship o dating scam, mga ponzi scheme, pati na yung mga
02:11side hustle scam.
02:13Bigla na lang kayong makakatanggap ng message na meron trabaho, na supposed na din daw madali, na nagla-like lamang
02:21daw sa mga video online o sa mga shopping apps.
02:24Pero mamaya, nakukumbinsin na din ang biktima na magpadala ng pera, kaya beware.
02:30Kaya dapat ay hindi tayo maloko ng mga manloloko.
02:34Marami talagang scammer na napapaniwala kayo na may malalaki ng mga return kung kayo ay mag-i-invest.
02:41Lalo na kung hindi nyo naiintindihan ang mechanics nito, tulad nga po ng cryptocurrency.
02:46Sabi nga natin, if it's too good to be true, dahil nga napakal ng interest,
02:52at probably ay dapat ay kabahan na po kayo.
02:56Pero madami pa rin nabibiktima dahil nga may pangako na malaking balik ng pera.
03:02Maaari ba silang habulin at kasuan?
03:04Eh, of course naman, theoretically, meron talagang mga kaso na maaaring ikaharap ng mga ito.
03:11At ang ganitong uri ng panloloko, unang-una, ay pasok po yan sa kasong estafa o swindling
03:16sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.
03:20Sa ilalim ng batas, krimen at dapat panagutan ng isang tao kapag nanloloko siya ng iba
03:26sa pamamagitan ng panlilinlang pag-aabuso ng tiwala na ibinigay sa kanya
03:31na nagre-resulta sa pagkawala o pinsalang pinansyal ng kanyang biktima.
03:36So, ang unang kaso dyan, estafa.
03:38Bukod sa estafa, meron ding violation ng Securities Regulation Code.
03:43Yan pong mga imbitasyon na pumasok kayo sa isang usapan.
03:47Isang kontrata ng pagbibigay ng pera kapalit ng malaking balik ng interest.
03:53Ang mga ito ay tinatawag na investment contract.
03:56At ang mga investment contract na ito ay dapat rehistrado po sa Securities and Exchange Commission.
04:02Kasi nga, napakarami ang fly-by-night operation o yung mga too good to be true talaga ng mga pangako
04:10at kailangan bantayan ang mga ito para wala na pong mabiktima.
04:14Kaya't ang pinakamagaling na proteksyon ay mag-check po sa SEC or ng Securities and Exchange Commission
04:21kung talagang rehistrado ang mga investment contracts na ito at ang mga investment companies
04:27at tunay sila at hindi lamang fake na mga investment.
04:31Gawin ito bago kayo mag-abot ng pera sa mga manlulokong yan
04:35at baka maubos lamang ang inyong hard-earned money.
04:39At kung kunwari daw ang investment ay sa cryptocurrency
04:43ay hindi lang po sa Securities and Exchange Commission dapat mag-check
04:47sa Banko Central din ang dapat puntahan para kung ma-check kung sila nga ay tunay.
04:53Huwag mabulag sa malaking interest na inaalok
04:56sayang ang pera na dapat ay gagamitin pang retirement
05:00ay but at the very least, pambili ng mga regalo ngayong Pasko.
05:05So be careful.
05:06Ang mausaping batas, bibigyan po nating linaw
05:09para sa kapayapaan ng pag-iisip.
05:12Huwag magdalawang isip.
05:13Ask me, ask attorney again.
05:19Bago ka umalis dyan, mag-subscribe ka muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
05:24para sa latest happenings ng unang hirit.
05:26Buh-bye!