00:00Naglabas na po ng release order para sa mahigit 200 ralayistang inaresto noong linggo.
00:06At tinutukan yan live ni Jamie Santos.
00:10Jamie!
00:14Vicky, matapos ang apat na araw na pagkakaditini,
00:17dito nga sa NCRPO sa Camp Bagong Diwa,
00:20dalawa na ang nakalaya sa mga inaresto nitong linggo sa Muntinlupa.
00:24Kabilang sa mga nakalaya ang isang miyembro ng student media
00:28at isang miyembro ng Lakbayan, Timog, Katagalugan.
00:32Inaasahan namang sunod-sunod ng makakalaya ang iba pa nilang kasamahan sa mahigit 200 inaresto.
00:39Ipinagutos ng Muntinlupa City Prosecutor's Office ang pagpapalaya sa lahat ng respondents
00:45na kasalukuyang nasa kustudiyan ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
00:50Batay sa resolusyong may pechang November 18,
00:53dapat palayain ang lahat ng respondents mula sa detensyon o custody,
00:58maliba na lamang kung may iba pang legal na dahilan para manatili silang nakaditine.
01:03Dahil dito, wala na raw saisay ang kahilingan na ilipat ang mga respondents
01:08sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa Camp Bagong Diwa, Bikutan, Taguig City.
01:14Bago niyan, naghain ang mosyo ng National Union of People's Lawyers
01:18sa Muntinlupa City Prosecutor's Office para i-dismiss ang reklamo
01:23at agad na mapalaya ang mga inarestong raliista.
01:26Gitang kampo ng mga inaresto, illegal detention ang nangyari
01:30dahil lagpas na sa prescribed period ng maghain ng reklamo laban sa kanila ang polisya.
01:36Vicky, sa panayam naman kay SPD District Director, Police Brigadier General Rodel Pastor,
01:42wala naman daw silang magagawa sa kautosan ng prosekusyon.
01:45Pero nilinaw niyang hindi nangangahulugang dismiss na ang mga kaso laban sa mga relista.
01:52At yan ang latest mula rito sa Camp Bagong Diwa. Balik sa'yo, Vicky.
01:55Maraming salamat sa'yo, Jamie Santos.
02:03Maraming salamat sa'yo, Jamie Santos.
Comments