00:00Thank you so much for joining us.
00:31Ang kanilang tatangkaing masungkit, ang Guinness World Record para sa longest o pinakamahabang tiramisu sa buong mundo.
00:38Ang nanguna sa paggawa ng tiramisu, ang Italyanong si Mirko Ricci, iginawad na sa kanyang naturang record noong 2017.
00:45Pero taong 2019, naagaw ito sa kanya ng isang Italian cheese brand.
00:49Matapos itong makagawa ng tiramisu na may habang 273.5 meters o 897 feet.
00:56Tatabis kaya ang kanyang ngiti kapag napasakamay niya ulit ang titulo?
00:59Kuya Kim! Ano na?
01:01Ang tiramisu ay isang sikat na Italian dessert.
01:04Ang ibig sabihin nito, pick me up o cheer me up.
01:07Maliban kasi sa pinagpatong-patong na ladyfingers, mascarpone cheese, itlog, asukal at cocoa powder.
01:13Meron tong kape.
01:15Kaya hindi lang nakakahappy ang tamis nito.
01:17Meron din tong sipa o caffeine hit mula sa espresso.
01:20Wala pang tiyak na impormasyon kung saan at paano nagsimula ang panghimagas na ito.
01:24Pero pinaniniwalaan ang ilang eksperto na nagmula ang tiramisu sa Veneto Region sa Italy noong 1960s hanggang 1970s.
01:32Unti-unti itong nakilala noong dekada 80 at 90.
01:35At ngayon ay isa na ito sa pinakakilalang panghimagas mula sa Italy.
01:39Samantala, matapos gumamit ng 19,000 na itlog, 400 kilos ng asukal, 128,000 na ladyfinger biscuits, at dalawang napakahabang
01:48araw,
01:49ang grupo ni na Richie nakapaghain ng tiramisong may habang 440.58 meters o mahigit 1,440 feet.
01:57Kaya, it's official.
01:59Kanya namuli ang Guinness World Record para sa longest tiramisu.
02:02Kung ang longest tiramisu ay mahigit 440 meters ang haba,
02:05Kano namang kaya kalaki o kabingat ang largest tiramisu?
02:13Ang largest tiramisu ay tumitimbang ng 3,015 kilos o mahigit 6,600 pounds.
02:19Hinanda ito ng Asosasyone Conserva, Desparlate, Blanc Cafe, Toto at Huevo Pascolo sa Gemona del Friuli sa Italy noong 2015.
02:27Para magawa ito, gumamit sila ng 350 kilos ng sabayoni cream,
02:31750 liters ng kape, 450 kilos ng saboyardi biscuit, daandang kilong mascarpone.
02:38Sa batala, para malaban ng trivia sa likod ng viral na balita,
02:40i-post o i-comment lang, hashtag Kuya Kim, ano na?
02:43Laging tandaan, kimportante ang may alam.
02:46Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 oras.
02:54Magandang gabi mga kapuso.
02:56Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
02:59Nagkagulo ang mga residente ng isang barangay sa Marinduque,
03:03nang kanilang makorner ang dambuhalang sawa.
03:06Nakakakail lang daw ng isang 25 kilong baboy.
03:12Ang mga residente ng Buena Vista, Marinduque, namaw problema.
03:16Nito mga nakaraang linggo kasi, nagkakawalaan ang kanilang mga alaga.
03:21Marami ng nawawalang baboy doon, kambing, iba pang mga hayop.
03:24Kaya nagduda sila na may nagnanakaw.
03:27Hanggang nitong samado, na-corner nila sa butas na ito,
03:31ang salarin, ang tirador, hindi tao, kundi isang dambuhalang sawa.
03:37Yun o, laking, delikado rin sa mga hayop.
03:40Ang grupo ni na Doc JM, agad nagsagawa ng rescue operation.
03:44Nung puntahan namin, pinagkakaguluhan na ng mga tao, medyo stress na yung sawa.
03:51Meron kasing nagtangka na hulihin yung sawa, eh hindi naman na tama yung kanilang handling.
03:56Ang rescue, pahirapan.
03:58Hanggang siya matagumpay nilang nailabas ang sawa, na may gitsiyam na talampakan pala ang haba.
04:03Ito ay tumitimbang ng halos 30 kilos. May kalakihan na siya.
04:09At naking gulat nila sa kanilang napansin.
04:11Napakalaki nung tiyan at kumpirmado, ito ay nakakain ng isang baboy ng nasa 25 kilos.
04:18Yung sawa ay nasa pangangalaga ng Provincial Veterinary Office.
04:22Nilagay namin ito sa isang temporary cage.
04:25Nakatakda itong ibalik sa kanyang likas na pamahayan na malayo sa komunidad ng tao.
04:34Paalala naman ni Doc JM.
04:35Pagka nakakita sila ng ganitong uri ng hayop, huwag nila itong papatayin.
04:40May mahalaga itong ginagampanan sa ating ekosistem.
04:44I-report nila kagad ito sa DNR para sa proper handling.
04:49Ang ahas na nahuli sa Marinduque is ang reticulated python.
04:54Karaniwan sila makikita sa mga bansa tulad ng Philippines, Indonesia at Malaysia.
04:58Nakatila sila sa kagubatan, ilog at minsan malapit sa pamahayanan.
05:02Hindi naman sila venomous, pinapatay at hinuhuni nila kanilang prey sa mamamagitan ng constriction o pinipigilan ang paghinga.
05:10Notorious din sila sa pagkain ng malalaking prey.
05:13Nagagawa nila ito dahil sa isang stretchy o elastic na tissue sa pagitan ng kanilang cranium at lower jaw.
05:18Pati yung pangan nila sa iba ba, hindi sila connected.
05:22So kaya pa nilang buksan ng mas malawak ito.
05:25Nakatulong na rin yung kanilang elastic skin na kaya nilang mag-expand ng mas malaki pa sa katawan nila.
05:33Minsan, five times the size.
05:36At alam niyo ba ang mga reticulated python din ang pinakamahabang ahas sa buong mundo?
05:41Kuya Kee, marala!
05:46Ang Guinness World Record para sa pinakamahabang wild snake sa buong mundo ay hawak ng isang female reticulated python na
05:52nadiscover nito lang nakaraang taon sa Indonesia.
05:55Ang haba nito ay 7.22 meters o 23 feet and 8 inches.
06:00Kasing haba daw ito ng width ng isang standard na FIFA soccer field.
06:05Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita, e-post o e-comment lang, hashtag Kuya Kim,
06:10ano na.
06:11Laging tandaan, kimportante ang may alam.
06:13Ako po si Kuya Kim at sanot ko kayo, 24 hours.
06:21Magandang gabi mga kapuso.
06:23Ako po ngayon yung Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
06:27Sa Mount Apo sa Mindanao, may isang very interesting na prutas na pinipitas at pinapapak na mga mountaineer.
06:33Para kasi itong blueberry.
06:35Opo, ang prutas na akala natin sa abroad lang nakikita.
06:39Meron din dito sa Pinas.
06:45Gabundok na lakas ng loob ang laging baon ng hike organizer at si Bianca.
06:49Sa tuy, inaakit niya ang pinakamatay na bundok sa Pilipinas, ang Mount Apo sa Mindanao.
06:54Ang hike nakakahingal man, pero worth it daw.
06:57Pagdating kasi sa bahaging ito ng Mount Apo na tinatawag nilang Boulder Zone,
07:02may matamis na sorpresa na naghihintay sa mga mountaineer.
07:05Dito may mga tubutubong halaman na ang mga asulo itim nitong bunga na para mga blueberry ang itsura.
07:11Libre lang na mapipitas at makakain.
07:13Ang tawag nila dito, wild berries o Mount Apo berries.
07:17Kalat-kalat na mga berries lang.
07:20Pag hilaw pa siya, medyo maasim.
07:23Pero pag hinug na, medyo malambot na and almost color black.
07:26Matamis siya.
07:27Like berry talaga.
07:29Pero anong klaseng berry nga ba ang Mount Apo berries?
07:32Uyakin!
07:34Ato na!
07:35Kapag sinabi natin berries, ang pumapasok sa isip ng marami ay baliit, makatas at kadalas ay matamis o maasim na
07:41prutas.
07:42Kaya ng strawberry, blueberry at raspberry.
07:44Pero sa botany o yung mga scientificong pag-aaral sa mga halaman,
07:48ang berry ay isang uri ng prutas na nagbumula sa isang ovary ng bulaklak.
07:52May laman sa loob at kadalasan may maraming buto.
07:55Kung pagbabasihan natin ang depenisyong ito,
07:57alam niyo ba ng pinakakilala marahin nating berry na strawberry
08:01ay hindi pala may tuturing na totoong berry o true berry?
08:05Tinuturing silang aggregate fruit o yung bunga na nanggagaling sa isang bulaklak na maraming ovaries.
08:10At ang mga tila buto na makikita sa labas ng strawberry,
08:12hindi pala buto kundi aking,
08:15na siya mismong fruit o bunga nito.
08:17Ang wild berries na mga tubutubo sa boulder zone na Mount Apo,
08:21mga Bacinium phallax.
08:23Ang salitang latin na phallax ibig sabihin false o mapanlinlang.
08:27Yan ay dahil marami ang tila na linlang na pareho ito
08:30sa isa pang species sa cordillera na Bacinium myrtoides.
08:33For the longest time,
08:35akala ng lahat ay kapareha siya nung Bacinium myrtoides
08:39o yung gutmo sa cordillera.
08:42It's a different species from yung common na widespread species sa Filipinas.
08:47Ang Bacinium phallax tinuturing ng microendemic
08:50dahil tanging makikita lang ito sa mataas na bahagi ng Mount Apo.
08:53Doon siya na-record sa may mga boulders,
08:56malapit sa mga sulfuric vents,
08:58more than 2,500 meters above sea level.
09:00Katunayan sa isang scientific journal na nilathala na Grupo ni Tamayo noong 2024
09:05na pag-alabang Middanao ang tinuturing na sentro ng blueberry diversity sa Pilipinas.
09:10Sa ngayon, meron tayong 45 species ng blueberries sa Pilipinas.
09:13Madami pa tayong ibang species ng blueberries
09:16na may potensyal na pwedeng kainin at gamitin.
09:20At alam niyo bang,
09:20sa yaman ng kagubatan na Mount Apo,
09:22may isa pang malaberry rin na prutas
09:24na matitikman dito.
09:26Anong klaseng berry naman kaya ito?
09:32Ito ang rubus pectinellus maxim,
09:35isang halamang likas sa kabundukan ng Mount Apo.
09:37Ang halamang ito isang uli ng gumagapang
09:39at mababang palumpong o bush na kabilang sa rose family.
09:43Ang pulang prutas nito ay kahuig ng raspberry.
09:46Malambot ito, makatas,
09:47at tamis-asim ang lasa.
09:49Gaya ng strawberry,
09:50tinatawag itong aggregate fruit
09:51dahil binubuo ito ng maraming malilit na bahagi
09:54na magkakadikit.
09:55Tulad ng ibang rubus species,
09:57ang prutas na ito ay mahalaga
09:58sa ating kalikasan
09:59dahil kinakain ito ng mga ibon
10:00at maliliit na hayo.
10:02Pero paalala mga kapuso,
10:04huwag basta-basta kumain
10:05na makikita ninyong berry
10:06o anumang prutas
10:07lalo na kung hindi kayo pamilyar dito.
10:10Maring ang ilan sa mga ito
10:11nakakalason
10:12o hindi ligtas kainin.
10:14Samantala,
10:15para man naman ang trivia sa likod ng viral na balita,
10:17i-post o i-comment lang
10:18hashtag Kuya Kim,
10:19ano na?
10:20Laging tandaan,
10:21kimportante ang may alam.
10:23Ako po si Kuya Kim,
10:24at sagot ko kayo,
10:2524 horas.
10:28Magandang gabi mga kapuso.
10:30Ako po ang inyong Kuya Kim
10:31na magbibigay sa inyo ng trivia
10:32sa likod ng mga trending na balita.
10:34Dinaga ang dibdib ng pamilyang
10:35nakatambay lang
10:36sa kanilang bakuran sa kamigin
10:37nang biglang may tila
10:39gumapang sa kanilang harapan.
10:40Ano ang kanilang namataan?
10:46Gumapang ang takot
10:47sa taga-kataraman kamigin
10:48na si Doyan
10:49sa kanyang nabideohan.
10:51Tila isang gumagapang
10:52na ahas.
10:53Nagulat po nasawak ko
10:54at sabi niya,
10:55Uy, may ahas.
10:56Pero ng kanya itong tinignan.
10:58Napagtanto niya
10:58nang inakala niya
10:59gumagapang na ahas.
11:01Magkakadugtong
11:01at takahilera pa lang
11:02mga daga.
11:03Nagulat po talaga ako sa
11:05nanatuwa.
11:05First time ko makikita
11:06ng ganun.
11:07Nagpagkumpulan eh.
11:08Nasa 8 o 6
11:09makakadugtong.
11:10Galing po sila
11:11sa may masukal na lugar.
11:12Tapos,
11:13dumaan dito sa sabihan
11:14pagdating sa may masukal
11:16na maraming damon.
11:17Ang paghanay
11:18ng mga daga sa video
11:19ay ang tinatawag
11:20na caravan formation.
11:21Dito nakakapit
11:22ang bawat daga
11:23sa buntot,
11:24malahibo o katawan
11:24na nasa unahan niya
11:26gamit ang bibig.
11:27Tsaka sila sabay
11:27na gumagalaw
11:28na parang isang tren.
11:30Ang madalas na gumagawa nito
11:31yung mga batang daga.
11:32Ang una sa pila
11:34na siyang gumagabay
11:34sa kanilang direksyon
11:35ang kanilang ina
11:36o yung mas matandang daga.
11:38Dahil hindi pa mahusay
11:40ang paningin
11:40at orientation
11:41ng mga batang daga.
11:42Sinusundan lang nila
11:43ang nasa harap.
11:44Pero bakit gaban nila
11:45ito ginagawa?
11:46Kuya,
11:47Kini!
11:48Atala!
11:55Ang mga daga,
11:56lalo na yung mga bata
11:57pa ay naglalakbay
11:58sa isang caravan formation
11:59para sa kanilang proteksyon.
12:01Mas ligtas para
12:02sa mga batang daga
12:03kung mananatili silang
12:04magkakadikit
12:04kesa magkakahiway-walay.
12:07Karaniyong nangyayari ito
12:08kapag nililipat ng ina
12:09ang mga anak niya
12:10sa mas ligtas na lugar.
12:12Samantala,
12:13para malaman ng trivia
12:14sa likod ng viral na balita,
12:15i-post o i-comment lang
12:16hashtag Kuya Kim.
12:17Ano na?
12:18Laging tandaan,
12:19kimportante ang may alam.
12:20Ako po si Kuya Kim
12:21at sangot po kayo
12:2224 horas.
12:30Mahigit isang buwang
12:30stranded sa dagat
12:31sa Germany
12:32ang isang balyena
12:33para ma-rescue ito
12:34naisip ng mga eksperto
12:36na isakay ang balyena
12:37sa isang barge.
12:38Posible kaya ito.
12:39Kuya Kim,
12:40ano na?
12:46Itong Marso,
12:47na-stranded sa Baltic Sea
12:48sa Northern Europe
12:49ang balyena nito.
12:50Ang balyena
12:51na isang juvenile male
12:52humpback whale
12:53pinangala ng Timmy
12:54hango sa Timmendorfer Beach
12:56kung saan siya
12:57unang namataan.
12:58Ayon sa mga eksperto,
12:59si Timmy
13:00maaring nalikaw
13:01o di kaya'y
13:01may sakit.
13:02Dahilan para mahirapan
13:04siya makabalik sa karagatan.
13:05Ang mga otoridad,
13:06ilang linggo
13:07nang naghahanap
13:08ng pinakamainam na paraan
13:09para ma-rescue si Timmy.
13:10Ang isa sa mga naisip
13:11nilang paraan
13:12ang mag-dredge
13:13para mapalanguyang balyena
13:14patungo sa isang barge
13:15na siya namang
13:16magdadala kay Timmy
13:17pabalik sa tahanan nito
13:18sa North Sea.
13:19Pero ang naturang
13:20rescue attempt
13:21inalmahan
13:21ng ilang eksperto.
13:22Dahil kasi sa lakas
13:23ng sound reflection
13:24sa loob ng barge,
13:25maari daw itong
13:26mas magdulot ng stress
13:27pati na high risk
13:28of injury
13:28ka Timmy.
13:29Magiging matagumpay kaya
13:30ang pag-rescue ka Timmy?
13:33Ang mga humpback whale
13:35gaya ni Timmy
13:36kabilang sa mga mama
13:37na may pinakamahabang
13:38annual migrations.
13:39Pag nagsimula ng winter
13:41mula Antarctica,
13:42magmamigrate sila
13:43panorte.
13:48Lumalanguy sila
13:49patungo tropical waters
13:50kabilang ang Pilipinas
13:51kung saan sila
13:52nanganganak
13:52at nagbimik.
13:53At pagkatapos
13:54ng taglamig
13:55ay babalik na sila
13:56sa Antarctica.
13:57Samantala nitong
13:58April 28,
13:59sinagawa ng rescue.
14:00Hanggang sa ligtas
14:01na nakalangoy si Timmy
14:02at nakasakay sa barge.
14:04Kung magiging maayos
14:05ang lahat,
14:06makakabalik daw si Timmy
14:07sa North Sea
14:07matapos ng dalawang araw.
14:09Ligtas kaya siya
14:10makakauwi?
14:11Yan ang ating aabangan
14:12sa mga susunod na araw.
14:13Ito po si Kuya Kim
14:14at sagot ko kayo,
14:1524 hours.
Comments