00:00Inimbestigahan ng Land Transportation Office o LTO
00:04ang insidente ng pananakit sa isang gasolinahan sa Nagas, Cebu.
00:09Sa video, makikita ang isang lalaki na sinusuntok ang gasoline attendant.
00:15Base sa inisyal na informasyon ng LTO,
00:18nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa ikakargang petrolyo.
00:23Bukod sa panununtok, ilang beses pa raw ipinakita ng motorista
00:28ang nakasuksok na baril sa kanyang bewa.
00:31Isinugod sa ospital ang gasoline attendant na nagtamo ng sugat at pasa.
00:36Naglabas na ng show cause order ang LTO
00:39para sa may-ari ng sasakyan at sa nagmamaneho nito.