Skip to playerSkip to main content
Pormal nang naghain ng resignation bilang pinuno ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee si Sen. Ping Lacson. Umugong naman ang rigodon sa Senado, na itinanggi ng ilang senador. Habang may nagmungkahi ng snap election—na dapat daw hindi lahukan ng mga nakaupo ngayong opisyal. May report si Sandra Aguinaldo.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Formal ng naghain ng resignation bilang pinuno ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee si Sen. Ping Lakson.
00:07Umugog naman ang rigodon sa Senado na itinanggi ng ilang senador.
00:11Habang may nagmungkahi ng snap election, na dapat tao hindi lahukan ng mga nakaupo ngayong opisyal.
00:18May report si Sandra Aguinaldo.
00:22Wala pang isang buwan mula ng maupong chairman ng Sen. Blue Ribbon Committee,
00:26nagbitiw si Sen. President Pro Tempore Prant Filo Lakson.
00:31Ang resignation letter niya, natanggap na ni Sen. President Tito Soto.
00:35Isinaad ni Lakson na ilang kapwa senador ang dismayado raw sa tinatakbo ng pagsisiyasat ng komite sa flood control mess,
00:44kunsaan dawit ang ilang senador.
00:46Pinalalabas daw ng ilang senador na pinupuntiryan niya ang mga kasamahan
00:50habang pinoprotektahan ang mga kongresistang dawit daw talaga sa anomalya.
00:56Pinasinungalingan niya ni Lakson.
00:58Aniya, hindi niya pinupolitika ang kanyang pangunguna sa lahat ng pagdinig ng komite.
01:04Kahapon pa nagpahayag si Lakson ng kahandaang mag-resign.
01:08Kanina, bago ang resignation letter, naunang sinabi ni Soto na tingin niya na frustrate si Lakson sa mga komento ng ibang senador.
01:16Nag-i-hearing siya, may umaangal. Bakit nag-i-hearing? Pag hindi siya nag-i-hearing, may umaangal. Ba't hindi nag-i-hearing?
01:24Ano ba talaga?
01:25Diba? So, and then I think the way he ran the Blue Ribbon Committee hearings were very good. The man is frustrated.
01:38Natanong si Soto, pwede kayang tanggihan ng mayorya ang pagbibitiw ni Lakson?
01:44Sa pagkakaalam daw ni Soto, ang resignation letter ay abisong gusto ng magbitiw at hindi paghingi ng permiso.
01:52Umugong din ang alingas-ngas na rigudo na naman daw sa Senado.
01:56Kumalat sa social media na si Minority Leader Alan Peter Cayetano ang papalit umanaw kay Soto.
02:01At sa Sen. J.V. Ejercito ang magiging bagong President pro tempore.
02:06Super fake daw ito, sabi ni Ejercito.
02:10Pinasinungalingan din ito ni Deputy Minority Leader Joel Villanueva.
02:15Nanggagapang bang minority para...
02:17Hindi, namin kailangan siguro.
02:18It's nothing of priority, Luis.
02:20Basta walang movement.
02:22So many things that we have to think about.
02:26Si Soto hindi raw apektado.
02:28Sa pagbabalik sesyon nila sa biyernes, wala raw siyang inaasang palitan ng liderato.
02:33Di na rin daw kailangan ng loyalty check.
02:36As far as I'm concerned and my opinion is, the Senate is stable.
02:40Both majority and minority.
02:42Pagka nanggagaling sa social media yung kwento,
02:46hindi ka...
02:48Ano eh?
02:49Well, madaling kumalat there's social media.
02:51Pero I don't see it coming from anywhere.
02:55In fact, the other day nagkausap kami ni Sen. Allan at nababangkit na rin yan eh.
03:00Sabi niya nga, siya mismo nagsabi sa akin, wala naman akong kinakausap kahit sino eh.
03:04Sabi rin niya.
03:04And if you want to answer, anything you need to answer, anything you need to answer.
03:09Yeah, I believe him.
03:10Hinihinga namin ang reaksyon si Kayatano tungkol dito.
03:14Pero may ideya siyang pinalutang sa Facebook post kahapon bilang tugon sa disgusto raw ng publiko sa gobyerno.
03:21Kung magpapalit ng liderato, dapat aniya mag-resign ang Pangulo, Vice Presidente at Kongreso at magsagawa ng snap elections.
03:30At sino mang nakaupo?
03:31Bawal kumandidato sa election cycle.
03:34Sa isa pang pahayag, sinabi ni Kayatano na naniniwala siyang makatutulong ang pagkakaroon ng clean slate
03:40para maging mas mabilis at epektibo ang pagpapanagot sa aniya yung mga guilty.
03:46Hamo ni Kayatano, willing daw ba silang mag-resign?
03:50Sinagot yan ni Palace Press Officer Claire Castro sa kanyang YouTube channel.
03:55Mauna ka na.
03:57Tutal, aminado ka.
03:59Politicians are suspects.
04:00Kasama ka.
04:01Ikaw ang umamin.
04:02Ikaw pa lang ang umamin.
04:04Edy, ikaw ay suspect.
04:06Wala rin daw panahon ang Malacanang sa ganitong klaseng pamumulitika.
04:11Sinusubukan din naming makuha ang tugon dito ni Kayatano.
04:151986 ng huling magka-snap elections sa bansa.
04:19Ipinatawag ito ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa gitna ng mga batikos sa kanyang pamumuno.
04:25Pero sabi ng Comelec, iba ang noon sa ngayon.
04:28At ang snap election noon, isinagawa bago nagkabisa ang 1987 Constitution na naglinaw ng batayan kung kailan gagawin ang eleksyon.
04:39Sabi ni Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, labag sa saligang batas ang mungkahi ni Kayatano na bawal kumandidato ang nakaupo.
04:48That one is not feasible because you cannot prevent them from running kasi wala namang disqualification sa kanila.
04:55Everybody has a right to run if he's qualified.
04:59Sabi rin ni Soto, walang legal na basihan ng snap elections at magbubunga pa ng kalituhan at kaguluhan.
05:05What do you do with those who are not guilty?
05:08What do you do with those who are newly elected and have no bad records?
05:16What do you do with them?
05:18Idadamay mo doon sa mga guilty or sa mukhang guilty kung hindi mga guilty.
05:23Kung meron bang maruming, ba't natin idadamay yung mga malinis doon?
05:28Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended