00:00Nagkasunog sa isang pribadong ospital sa General Trias, Cavite, kahapon.
00:04Sumiklab ang sunog alas 3 ng hapon sa storage area
00:07na nasa likod ng outpatient care center ng City of General Trias Doctors Medical Center
00:12o Gentry Doctors.
00:14Inilikas ang mga pasyente at staff ng ospital.
00:16Wala namang naiulat na nasaktan.
00:19Napula ang apoy matapos ang mahigit 2 oras.
00:22Ayon sa Gentry Doctors, ligtas nang nakabalik sa mga kwarto ang mga pasyente nila.
00:26Dahil sa sunog, inilipat muna sa main hospital building ang OPD consultation.