00:00Nilinaw ng warden ng New Quezon City Jail na bumibisita lang ang nabanggit niya kamakailan na umano'y personal assistant
00:08ni Congressman Martin Romualdez sa loob ng kulungan.
00:12Wala rin muna siyang nilabag na regulasyon, lalo't hindi umano 24 oras sa kulungan ng assistant.
00:18Nakatutok si Maki Pulido.
00:23Para matiyak kung nasusunod ang initial commitment order ng Sandigan Bayan na hindi maaaring ilabas ng kulungan si dating Speaker
00:30Martin Romualdez nang wala nitong utos,
00:33mismo ang mga mahistrado ng graft court ang nag-inspeksyon sa New Quezon City Jail.
00:38Gusto rin nilang matiyak kung nasusunod ang mga regulasyon sa nasabing detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology
00:45o BJMP.
00:46Selda ni Romualdez ang isa sa mga ininspeksyon ng mga mahistrado pero di na ito pinakuhanan sa media.
00:53Tinignan rin nila ang CCTV recording system.
00:56Nang muling humarap sa korte kaninang umaga si Jail Superintendent Maria Lourdes Passion,
01:02inamin niyang hindi kumpleto ang recording ng movement ni Romualdez dahil napatungan na umano'ng ibang bahagi.
01:09Nataranta rin lang daw siya nang sabihin itong Huwebe sa korte na may personal assistant o PA ang dating speaker
01:15sa loob ng kulungan.
01:17Nakalistang bisita raw ang nabanggit niyang PA.
01:19Nasa visitor's area lang at umaalis-umano pagtapos na ang oras ng bisita.
01:24Sumasalang din daw ito sa security screening.
01:27Paglilinaw pa niya, hindi ito 24 oras sa kulungan pero 24-7 na on-call.
01:33Nagihintay lang umano ito sa labas ng kulungan kung tapos na ang visiting hours.
01:37Gingit ng Jail Warden na si Superintendent Passion.
01:40Wala siyang nilabag na regulasyon ng BJMP.
01:42In-approbahan daw niya ang request ng mga abogado ni Romualdez na ilistang bisita si De Guzman
01:48dahil sa epekto ng mga iniinom na gamot ng kongresista.
01:51Matagal ng personal assistant ni speaker so siya nakakaalam talaga ng mga medicines and all of that.
01:59Kaya and of course yung diet ni speaker siya rin nakakaalam.
02:04Matagal na niyang katulog yan.
02:07So yun ang logical sa amin, sa akin na pasamahan si speaker at that time.
02:14Sa pahayag ng korte na binasa ni Atty. Dennis Pulma, Executive Clerk of Court,
02:19sinabi nitong wala pang kontlusyon ang korte.
02:23At this stage, we would like to clarify that it's premature to announce any findings or conclusions.
02:30Makipulido na katuto, 24 oras.