00:00.
00:00.
00:01Hindi pare-pareho ang kondisyon ng bawat paaralan. May mga silid-aralang walang aircon at may mga estudyante ang kailangang
00:10tiisin ang matinding init o malakas na pag-ulan.
00:13Kaya para sa ilang mag-aaral, mas makabubuti kung ang paaralan mismo ang may huling pasya sa suspension ng klase
00:21dahil sila ang mas nakakakita at nakararanas ng aktual na sitwasyon sa kanilang lugar.
00:27Kasi po diba, minsan yung LGU, hindi naman po agad-agad nilang nasasabi sa mayor natin na ay suspended kasi
00:35ganito ganyan.
00:36Sa ilalim ng kautosang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong October 28, maaaring maganap ang klas suspension sa tatlong
00:44paraan.
00:45Sa automatic suspension, susundin ang mga opisyal na babala at advisory ng mga kinauukulang ahensya batay sa itinakdang technical thresholds.
00:54Samantala, ang localized suspension ay maaaring ideklara ng mga local chief executive batay sa aktual na panganib sa kanilang nasasakupang
01:01lugar.
01:02Habang sa granular suspension, binibigyan naman ang pagkakataon ng mga school head na mag-suspend din ang face-to-face
01:08classes kung may aktual o napipintong panganib sa kanilang paaralan.
01:13Masagiging ano po kasi siya, masagiging efficient kung sa mismo school po yung manggagaling yung suspension.
01:20Pinapayagan din ang Executive Order 130 ang granular resumption o ang maagang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga
01:28paaralang napatunayang ligtas na kahit mayroong umiiral na mas malawak na suspension.
01:34Kinakailangan lamang na magsagawa ng site-specific safety assessment at makuha ang pagsangayon ng kinauukulang local chief executive.
01:43Binigyan din sa kautosan na hindi nangangahulugan ng paghinto ng pag-aaralang suspension ng face-to-face classes.
01:50Kailangang magpatuloy ang learning activities sa pamamagitan ng mga alternatibong pamamaraan kung posible.
01:57Inatasa naman ang DepEd kasama ang iba pang mga kinauukulang ahensya na maglabas ng implementing guidelines sa loob ng 30
02:05araw
02:05upang linawi ng mga pamantayan at ang proseso sa pagpapatupad ng bagong framework.
02:12Angelica Abrogar para sa Bayan.