Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 24, 2026


- Ilang estudyante, excited sa pagbabalik-eskuwela matapos ang sunod-sunod na class suspensions

- Nakatenggang flood control project, lalong nawasak dahil sa malakas na ulan nitong nakaraang linggo | Sunwest Corp. ang contractor ng gumuhong flood control project, ayon sa mga taga-Brgy. Tagumpay, Sablayan, Occidental Mindoro

- Sira at lubak-lubak na kalsada sa Brgy. Sto. Domingo, inirereklamo ng isang netizen

- National Kidney and Transplant Institute, puno na dahil sa dami ng kaso ng leptospirosis | Pila sa emergency room ng San Lazaro Hospital, umabot na sa labas; malapit na ring mapuno ang ospital

- Pagbibigay ng hazard pay at night shift differential, kabilang sa mga polisiyang pinag-aaralan ng DOLE para sa delivery riders


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).




For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:17Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:00Ngayong umaga, ilang araw din kasi silang nasa bahay lang dahil doon sa mga class suspensions dahil sa ulang dulot
01:06ng hanging habagat at mga holiday.
01:10Maaga mga estudyante ng Piñahan Elementary School dito sa Quezon City. Ang huling pasok nila noong nakaraang lunes pa.
01:16Nasunda na yan ng mga class suspension dahil sa malalakas na ulan at dalawang holiday. Mas sinigpitan din ng seguridad.
01:23Iniinspeksyon ang mga bag ng mga estudyante gamit ang handheld metal detector. May mga polis din ang QCPD Station 10
01:29na tumutulong sa pagbibigay seguridad.
01:31Sabi ng mga magulang na amin nakausap, mas gusto nilang nasa eskwela ng kanilang mga anak dahil natututukan ang mga
01:37guru ang kanilang pag-aaral.
01:38Sana rin daw ay mas agahan ng LGU ang pag-aanunsyo ng class suspension kapag maulan dahil may mga pagkakataon
01:44na nababasa ang mga bata pa uwi.
01:48Mas gusto namin sa eskwela kahit pa paano natutukan sila.
01:51Yung ginagawa ng asawa ko po, yung libro po binibigay sa kanila para magbasa na lang po sila.
01:58Tapos lahat po ng activity na binibigay ng teacher, pinapagawa po ng asawa ko.
02:03Kaso nga, hindi po sila masyadong natutukan.
02:06Sa eskwela po.
02:08Kasi doon po sa bahay, boring po, wala po akong ginagawa.
02:11Sa school po, madami po akong kausap at saka kasama.
02:16Mas maaga po sana.
02:17Kasi lagi silang basa pag umuwi, late na po yung suspension.
02:23Kaya late na rin po na susundo.
02:24Mas maganda po sa school kasi mas maganda po makikita yung mga friends nyo po at makakasocialize po kayo sa
02:31mga kabar.
02:34Ayan?
02:35Friends na.
02:36Ah, friends.
02:37Mas maraming matutunan sa school?
02:39Opo, especially naman po sa math at AP po.
02:44Natutunan ko po talaga yung help sa help ng mga advices ko po.
02:54Samantala, Ivan, tumutulong din sa pagbibigay yung seguridad yung mga miyembro na SPTA o yung Schools Parents Teachers Association.
03:02At meron din sila na inisyo sa kanila na handheld metal detector dahil hindi rin naman kahit ito ng isa
03:08lamang na security guard.
03:09At katatapos lamang po nung flag racing ceremony dito ng mga estudyante at magsisimula na yung kanilang morning shift mula
03:15alas sa isang umaga hanggang mamayang 12.15pm.
03:19At meron pa pong afternoon shift para naman dun sa ibang batch ng mga estudyante.
03:23At yung muna ilitas, mula po dito sa Quezon City.
03:25James Agustin, GMA News.
03:29Lalo na wasak ang isang nakatinggang flood control project sa Samlayan Occidental, Mindoro, isang taon matapos itong simulan.
03:37Ayon sa mga taga-barangay tagumpay, sinimulang itayo ang proyekto noong 2024 at unang nasira noong 2025.
03:44Tuluyang bumagsak sa ilog ang isang bahagi nito sa kasagsagan ng ulang dala ng high habagat nitong nakaraang linggo.
03:51Ang buhangin na ginamit sa fundasyon humahalo na sa mga kalapit na sakahan.
03:55Ayon din sa mga taga-barangay, SunWest Corporation, ang kontraktor ng nawasak na flood control project.
04:03Ang naturang kumpanya ay iniugnay kay dating Congressman Zaldi Co.
04:07Naharap sa mga kasong graft at malversation si Co. at ilang opisyal ng SunWest
04:11dahil sa substandard flood control project sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
04:17Sinusubukat pa ang kunin na pahayag ng Department of Public Works and Highways at ng SunWest.
04:25Sareklamo na isang netizen ang bako-bakong kalsada sa isang barangay sa Batangas City.
04:31Naisipan daw ng barkada ni Nayus Cooper Kimberly Falcon na mag-sunset viewing sa lungsod.
04:36Yun nga lang, bitak at lubak-lubak na kalsada ang tumambad sa kanila sa barangay Santo Domingo.
04:43May bahagi rin ang daan na hindi sementado at putikan pa.
04:46Kaya ayon kay Nayus Cooper Kimberly, ang kanilang road trip na uwi sa bad trip.
04:51Nananawagan siya sa lokal na pamahalaan na maiayos ang kalsada para sa kaligtasan ng mga motorista.
04:59Tumabot sa labas ang pila sa emergency room sa San Lazaro Hospital sa Maynila
05:04sa dami na mga nagpapakonsulta para sa leptospirosis.
05:08Ang National Kidney and Transplant Institute naman sa Quezon City, puno na rin ng mga pasyente.
05:14May unang balita si Darlene Kai.
05:19May mga sugat sa paa ang rider na si Enrique pero kinailangan niyang lumusong sa bahasaban ng Visayas Avenue noong
05:24nakaraang linggo.
05:25May pasayero ako nun eh.
05:27Bali, traffic po, nagmamadali rin po siguro si customer.
05:33Kaya kinakaya ko naman na lumusong na lang po ako.
05:40Wala raw siyang bota kaya hindi naprotektahan ang kanyang mga paa.
05:43Medyo may kabarin.
05:44Sahirap ng buhay po ngayon eh.
05:46Kailangan mo magtyaga para bumiyahin.
05:50Para sa pamilya eh.
05:52Lasal-lasal na lang po yun yung magkasal?
05:54Lasal-lasal na lang.
05:55Tumarami ngayon ang mga kaso ng leptospirosis.
05:59Ang NKTI o National Kidney and Transplant Institute,
06:02nag-anunsyo na ng full bed capacity dahil sa pagsipa ng bilang ng mga may leptospirosis
06:07at dahil na rin sa dami ng iba pang pasyente.
06:11Kaya sa ngayon, bibigyang prioridad muna ang mga mga ngailangan ng urgent at critical medical care.
06:17Lilimitahan din muna ang mga walk-in admission.
06:19Inabisuhan na muna ang mga mga ngailangan ng elective o non-emergency admission na makipag-ugnayan sa kanilang doktor.
06:25Sa emergency room ng San Lazaro Hospital sa Maynila, may pila na sa labas.
06:29Karamihan sa kanila ay magpapakonsulta para sa leptospirosis.
06:32Presently, meron ang aming emergency room capacity.
06:38Maraming mga nag-aantay na mga leptospirosis patient sa aming express lane.
06:44Presently, mga umaabot na kami around 300 to 500 percent ng capacity namin ng aming emergency room.
06:55Isa sa mga pasyente na nakapila si John Mark na lumusong sa baha noong lunes.
07:00Napilitan po kaming bumili ng mga pangangailangan.
07:05Ayon sa pagkinabukasan, bigla na lang din po ang nilagnat.
07:13Tapos yun, mga sintomas ng lepto.
07:17Apat na oras na silang nakapila rito ng kanyang bienan na sinamahan siya.
07:21Sa dami po, umuwi na nga lang po yung ibe, sumuko.
07:24Eh, tutan, nandito na rin po kami.
07:26Kaya talagang sacrifice po.
07:30Sa ngayon, 87 ang mga may kaso ng leptospirosis sa San Lazaro.
07:3426 dyan ay severe o iyong mga nahihirapan ng huminga at kailangan na ng dialysis.
07:40Tatlong pasyente na ang namatay sa leptospirosis mula August 19 hanggang 22.
07:45Actually, medyo alarming.
07:47Usually, ang incubation period ng leptospirosis is between 2 days up to 30 days.
07:56Kadalata, nakikita namin yung peak ng leptospirosis is within 2 weeks from insult.
08:03Though nabibilang siya 2 weeks from August 17.
08:08Ang nakikita namin ngayon ay patuloy ng pagtaas ng aming admission.
08:13Kaya naghahanda na raw ngayon ang ospital sa lalo pang pagdami ng mga may leptospirosis sa mga susunod na araw.
08:20Malapit na raw kasing mapuno ang ospital.
08:22Ito ang unang balita.
08:24Darlene Kai, GMA News.
08:27Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment ang mga posibleng pulisiya para sa mga delivery rider lalo na kapag
08:33masama ang panahon.
08:34Sa panayam sa Super Radio DZBB, sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na kabilang sa mga pinag-aaralan ang pagbibigay
08:42ng hazard pay at night shift differential
08:44o dagdag na bayad sa mga rider na nagtatrabaho sa gabi.
08:48Gayun din ang pagbibigay sa kanila ng protective gear tulad ng bota at ayuda kapag nasisiraan ng motorsiklo.
08:54Una nang sinabi ng dole na makakatanggap na benepisya at ayuda ang mga manggagawa na sugatan o naaksidente dahil sa
09:01masamang panahon sa ilalim na Employers o Employees Compensation Program.
Comments

Recommended