00:00Ipinasilip ng Maynilad ang ginagawang pagsasayos at pagpapalakas ng kanilang treatment plant sa Lamesa Reservoir,
00:06bilang paghahanda sa Super El Niño.
00:08Halos 10 billion piso raw ang ginastos ng Maynilad para sa upgrade ng kanilang mga planta.
00:13Kabilang dyan ang kanilang Water Treatment Plant 1 na kayang magproseso ng tubig na may putik.
00:18Pinaigting naman ang Water Recovery Systems para mapakinabangan ng tubig mula sa proseso ng paglilinis.
00:24Dahil dito, inaasahang nasa 125 hanggang 170 milyong litro ng tubig ang matadagdag kada araw.
00:32Ang domestic waste naman mula sa mga bahay, kinukuha at pinoproseso sa kanilang Water Treatment Facilities para mapakinabangan ulit.
00:40Hinihikayat ng Maynilad ang publiko na magtipid ng tubig bilang paghahanda sa Super El Niño.