Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa unang pagkakataon ng kasaysayan, bumagsak po sa 64 peso level ang halaga ng piso kontra dolyar.
00:07Apektado nito mula sa mga negosyante hanggang sa mga ordinaryong mamimili.
00:11May unang balita si Maab Gonzalez.
00:17Mapag-gasolina, bigas, ultimo isda at gulay iniimport ng Pilipinas.
00:22Kaya mula sa mga importer na nag-aangkat ng raw materials hanggang sa mga ordinaryong mamimili sa palengke,
00:28mararamdaman ang epekto ng paghina ng piso kontra dolyar.
00:32Kahit nawala tayong dolyar, ang binibili naman natin sa merkado, sa groceries,
00:37ay karamihan dyan ay imported.
00:40Kaya pagka sumadsad ang piso kontra dolyar,
00:43tataas ang presyo ng mga imported na mga produkto na binibili natin sa groceries.
00:48Nagsara ang palitan sa 64 pesos and 17 centavos kada US dollar.
00:53Unang beses na bumagsak sa 64 level ang piso sa kasaysayan.
00:57Pitong trading day nang nagtatala ng sunod-sunod na record low ang piso mula nitong October 19.
01:03Hindi mo kailangan ng dolyar mo ngayon, wag mong gastusin.
01:06Wag ka rin mo na magpalit.
01:08Dahil ang inaasahan natin, mukhang tataas pa ang halaga ng dolyar.
01:14Isa sa umaaray ang negosyanteng si Anon.
01:16Imported kasi ang raw materials pa sa ibinibenta niyang pabango.
01:20Ang ginagawa namin is gradual yung pagtaas.
01:23So ngayon, nasa around 64 yun, feel namin medyo kailangan na namin.
01:28Kasi medyo mabigat na rin eh.
01:30Ayon sa ekonomistang si Professor Emanuel Leco,
01:33pinagsama-samang epekto ng sigalot sa Middle East,
01:36paglakas ng US dollar,
01:37at mataas na inflation rate sa Pilipinas ang nagpapahina sa piso.
01:42Ngitong Setiembre, pumalo sa 7.2% ang inflation rate
01:45dahil sa mas mabilis na pagmahal ng gasto sa pagkain, transportasyon at kuryente
01:50batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.
01:53Isa sa naging tugon dito ng Banko Sentral ng Pilipinas
01:56ang magtaas ng Target Reverse Repurchase Rate o RRP Rate
02:00o yung tinatawag na Key Policy Rate nitong October 22.
02:04Yan ang interest rate ng Banko Sentral
02:06kapag humihiram ito sa mga banko
02:08para panatilihing stable ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
02:12Sabi noon ng BSP,
02:13inaasahang bibilis pa ang inflation sa mga susunod na buwan
02:17at mananatiling mataas hanggang sa 2027.
02:20Dagdag pa dyan ang banta ng El Niño sa agrikultura
02:23na posibleng magpamahal sa presyo ng mga produkto.
02:27Ayon kay dating BSP Deputy Governor Diwago ni Gundo,
02:30maraming umasa na magsis-stabilize an exchange rate
02:33dahil sa hakbang na ito ng Banko Sentral.
02:35Pero pababa pa rin ang halaga ng piso.
02:37Mahina pa rin yung ating pinatawag na balance of payments
02:40at saka current account.
02:42So kapag mahina ang pasok ng dolyar dito,
02:45ang supply ng dolyar mababa,
02:48kaya maaaring tumaas ang dolyar laban sa piso.
02:53Suwesto ni Professor Leiko sa gobyerno,
02:55suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
02:58Sa ngayon, nakususpendi ang excise tax sa LPG at kerosene,
03:02pero hindi ang sa diesel at gasolina.
03:04Sinubukan na natin ang interest rate, hindi yan umubra.
03:08Dinagdaga natin, sumadsad pa ang piso.
03:11So ano ang natitira na lang?
03:13Yung excise tax,
03:16makakatulong yan sa pagbaba ng presyo ng petrolyo
03:21na inaasahan din naman natin na pagka mababa ang presyo ng petrolyo,
03:25yan ay makakatulong na magpababa ng presyo ng mga pangunahing bilhinat.
03:30Sa bagong pahayag ng BSP, minomonitor daw nito ang foreign exchange market
03:34at kumikilos para tugunan ang pabago-bagong halaga ng piso
03:38at mapanatili ang stability ng mga presyo ng mga bilhin.
03:41May sapat na dolyar ang BSP para gawin ito.
03:44Sa ngayon, nagbenta na ang banko sentral ng dolyar
03:47para dumami ang supply nito sa sirkulasyon.
03:49Ayon kay Gunigundo,
03:51makatutulong din ang i-re-remit ng mga dolyar ng OFWs ngayong Kapaskuhan
03:55para bumalik sa 62 to 63 peso range ang palitan.
03:59Pero may iba pang pwedeng magawa ang gobyerno.
04:01Ang gobyerno naman dapat ay magsumikap namang i-restore
04:06ang confidence ng ating mga mamumuhunan
04:09sa pamamagitan ng pag-re-resolva kagad
04:12ng mga isyo natin sa corruption, sa rule of law.
04:16Hindi natin maitatatwa na pag ang mga tao
04:19ay walang kumpiyansa sa gobyerno,
04:22halimbawa walang kumpiyansa sa ekonomiya,
04:24you cannot prevent them from leaving our domestic capital markets
04:29and in the process,
04:31weaken the Philippine peso against the US dollar.
04:35Ito ang unang balita.
04:37Mav Gonzalez, GMA News.

Recommended