00:00Formal nang nagpalitan ng posisyon ang balik DOTR na si Secretary Vince Dizon at bagong DPWH Secretary Giovanni Lopez.
00:08May ulat on the spot si Ian Cruz. Ian?
00:12Yes, Rafi, nasurpresa pero hindi na rin nagtanong si Secretary Giovanni Lopez
00:16nang kausapin sila ng Pangulo ni Secretary Vince Dizon tungkol nga sa switch nila sa Department of Transportation at Department
00:24of Public Works and Highways.
00:25Sabi ni Secretary Vince Dizon, nagsisilbi sila sa pleasure ng Pangulo at kung anong nakikita na mabuti.
00:32Iginagalang daw nila at pinagpapatuloy ang trabaho saan man sila dalhin.
00:36Naniniwala si Dizon na hindi naman daw magpapabagal sa mga reforma ang switch nila.
00:41Baka nga raw bumilis pa ito dahil kilala rin mabilis magtrabaho si Secretary Lopez.
00:45Ayon kay Secretary Dizon, minimal lamang na tao ang isasama niya pabalik sa Department of Transportation.
00:51Ganito rin ang sinabi ni Secretary Lopez.
00:54Sabi ni Dizon, marami nang naitpatupad na reforma mula na maging kalihim siya ng DPWH at tapagsabog ng flood control
01:01skandal.
01:02Kabilang na nga ang isandaan at tasampu na mga kaso sa mga individual at lupot siyam na flood control cases
01:09at limampu kataon na ang nakulong dahil sa mga kasong ito.
01:12Isa sa mga pinatututukan ni Dizon kay Lopez, ang Bulacan na naging epicenter ng kontrobersya sa flood control.
01:19Marami na raw reforma at iba't ibang proyekto na rin ang ginagawa kabilang na ang nature-based solution.
01:25May mga dokumento pa, Rafi, na ipinasa si Dizon kay Lopez Anya.
01:29Maraming masisibak sa DPWH dahil sa ipinasa niyang dokumento sa kapwa kalihim na babasahin at pag-aaralan daw ni Lopez.
01:36In inagbigay ng iba pang detalya si Dizon ukol sa dokumento na may nakasulat na secret sa harapan nito.
01:42Kung iniisip daw ng iba na magiging madali at maluwag si Sekretary Lopez sa paghahawak sa DPWH,
01:49sabi ni Dizon, marami ang masusurpresa sa mga maaaring gawin ng kalihim.
01:53Pinagpalit daw sila ng posisyon ng Pangulo para patuloy nagguluhin ang mga sistema ng mali at kurap,
02:00sabi ni Sekretary Lopez, kung may advantage man siya sa pagpasok sa DPWH, ito raw ay wala siyang relasyon sa
02:07mga tagakagawaran.
02:08Wala raw utang na loob na tinatanaw, kaya mas mabilis ang kanyang magiging disisyon kung may ginawang mali.
02:15Pagbalik naman sa DOTR, isa raw sa mga tututukan ni Sekretary Dizon ang Land Transportation Office,
02:21pati na kung paano mapapabuti ang kondisyon ng mga commuter sa pagbiyahe para maging mas maginhawa ito.
02:27Isa rin sa mga napag-usapan ng dalawang kalihimang budget kaya sa DOTR,
02:31na maraming kakulangan sa budget ang mga big ticket na proyekto.
02:35Maantala raw ang implementasyon kung kulang ang pondo,
02:38kaya sabi ni Sekretary Lopez, kailangan upuan ng budget para may sapat na pondo ang mga malalaking proyekto.
02:44Narito po ang pahayag ni na Sekretary Lopez at Dizon.
02:49Sana po magtulungan tayo na manumbalik po yung pagtitiwala ng taong bayan sa TPWH.
02:58At paano po natin magagawa ito?
03:00Pagdating pa lang sa pagpreprepera ng budget, dun po nagsisimula lahat sa pag-pro-procure
03:07at sa pag-i-implement ng proyekto sa pagdi-disperse.
03:14Dun po ako papasok at dun ko po kailangan ng inyong tulong.
03:19Ang mga reforma ang dyan na ho, ang gagawin lang po natin ngayon ay araw-araw, araw-araw na gagawin
03:29nating tama ang proseso.
03:32I said, tingin ko, we have full trust and confidence sa wisdom ng ating panguloy.
03:37And tingin ko nga ako, I would argue pa the other way.
03:41Yun nga tingin ko ang desisyon ng panguloy natin.
03:4420 months na lang, sabi niya, teka, i-maximize natin.
03:46Parang coach eh, di ba?
03:48Alam niya kung kailan ipapasok yung mga player, kung para saan, anong role.
03:53No, ganun lang yun eh.
03:57Raffi, yan muna ang latest mula rito sa lungsod ng Maynila. Balik sa'yo, Raffi.
04:02Maraming salamat, Ian Cruz.