00:00Anawagan ang ilang motorcycle taxi rider na huwag bawasan ang mga tulad nilang pinapayagang bumiyahe
00:06sa gitna ng Manoy Overboarding o paglagpas ng bilang nila sa itinakda sa mga Ride App.
00:13Ang sagot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa pagtutok ni Jonathan Andal.
00:24Nagprotesta sa harap ng LTFRB ang grupo ng mga motorcycle taxi riders
00:28para ipanawagang huwag silang mawalan ng trabaho dahil sa isyo ng overboarding.
00:33Ang overboarding ay ang pagsobra ng ride hailing app o platform sa bilang ng riders na itinakda ng gobyerno.
00:39Sabi ni Jason Luna, co-convener ng grupong Metro o Motorcycle Riders Association,
00:4315,000 riders lamang ang limit kada platform pero mukhang lagpas na raw dyan ang bilang ng riders sa ilang
00:50platform.
00:50Na ghost rider po na sinasabi nila, ito po yung mga kasamahan namin na hindi alam na napaloob doon sa
00:59iba't ibang platform na platform provider.
01:03Hindi namin alam kung kami po kasama roon sa labis na roon sa itinalaga ng gobyerno.
01:08Pangamba nila baka raw pagbawalan ng bumiyahe ang mga labis sa itinakdang bilang ng LTFRB.
01:13Sabi naman ni Don Pangan, Sekretary General ng Riders Group na Kagulong,
01:17hindi nila kasalanan ang overboarding dahil tinanggap ng mga ride hailing app ang kanilang aplikasyon na maging MC Taxi Rider.
01:23Ang usapan with the LTFRB ay walang mawawalan ng trabaho. Walang maiiwang rider.
01:31At yung issue ng overboarding, hindi kasalanan ng rider yan.
01:37Hindi yan kasalanan ng rider.
01:38Kaya hindi dapat ang rider ang mag-suffer doon sa nangyayaring mga kalokohan na yan.
01:46Matapos ang rally, pinakyat si Napangan at Luna sa opisina ng LTFRB kung saan nila nakausap ang isa executive director
01:52ng ahensya.
01:53Nasa takloban kasi si acting chair Greg Pua, batis sa text message niya sa GMA News.
01:57Sabi ni Luna, tiniyak ng opisyal ng LTFRB na walang MC Rider na mawawalan ng trabaho kapag umusad na ang
02:03proseso ng institutionalization ng mga MC Taxi Riders.
02:07Inaabangan kasi ngayon ng mga rider ang batas nakikilala sa mga MC Taxi bilang public utility vehicle.
02:13Sunusubukan pa ng GMA News na makuha ang panig ng LTFRB tungkol dito.
02:17Jonathan Andala na Katutok, 24 Horas.