00:00Magandang umaga po sa ating lahat. Ito ang ating 5.30am update dito sa Super Typhoon Rosal na may international
00:07name na Champi ngayong araw ng Webes, October 22, 2026.
00:13Ngayon nga po ay bahagya pang humina muli itong Bagyong Rosal dito po sa may Philippine Sea at huling namataan
00:22yung sentro nitong bagyo, 495 km silangan ng Basko Batanes.
00:28Nasa 195 km per hour po yung kanyang taglay na hangin. Malapit sa gitna at aabot naman ng 240 km
00:36per hour ang kanyang bugso ng hangin.
00:39Kumikilos po ito pa northwestward sa bilis na 20 km per hour at kung mapapansin nga po natin, yung mga
00:47rain bands po nito ay nakakaapekto ngayon sa northern Luzon area.
00:52Inaasahan po natin malalakas yung mga pagulan ngayong araw especially dito sa may Batanes at Babuyan Islands.
00:59Maging dito rin po sa ilang bahagi ng Cagayan ngayong araw.
01:03Aside po dyan ay inaasahan pa rin po natin na magkakaroon din ng mga maulap na panahon, kalat-kalat na
01:09mga pagulan,
01:10pagkulog at pagkidlat yung ating mga kababayan sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley,
01:16Cordilleras maging sa may Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at maging dito rin po sa may Aurora,
01:24Bicol Region, Northern and Eastern Samar, pati na rin po yung dito po sa areas ng Western Visayas,
01:32Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, Misamis Occidental, Lanao del Norte,
01:38ay magkakaroon din ng mga pagulan, dulot naman nitong trough o yung extension nitong Bagyong Rosal.
01:45Maging dito po sa may Palawan, aasahan po natin yung mataas na chance na mga pagulan, dulot nitong trough ng
01:51Bagyong Rosal.
01:53At ito naman po yung ating latest forecast track intensity nitong Bagyong Rosal,
01:58kung saan inaasahan po natin throughout the forecast period ay masihina pa itong Bagyong Rosal
02:04at maaari nga po mag-downgrade bilang isang typhoon ngayong araw.
02:10So, within the next 24 hours, inaasahan nga po natin na magpapatuloy po yung kanyang tracking pa northwestward.
02:20At within today din po, possible this afternoon hanggang bukas ng madaling araw,
02:27yung closest approach nitong Bagyong Rosal, dito po sa may extreme northern Luzon.
02:32So, inaasahan nga po natin ngayong araw po yung pinakamalalakas na mga pagulan na posible po magdulot ng mga pagbaha
02:41at paghuhu ng lupa dito sa extreme northern Luzon.
02:45And possible po, pagsapit po bukas ng hapon, ay posibleng kumilos na ito pa north-northwestward.
02:55At pagsapit po ng bukas ng gabi, ay posibleng lumabas na po ito ng ating area of responsibility within tomorrow
03:05evening hanggang Saturday morning.
03:08Ngunit sa ngayon nga po ay dahil malawak pa rin yung sakop ng mga malalakas na hangin nitong bagyo, ay
03:14meron pa rin po tayong mga nakataas na wind signals.
03:17Ngunit nananatili pong mababa pa rin yung chance na ito po yung mag-landfall sa anumang bahagi ng ating bansa.
03:30Sa ngayon nga po may wind signal number 2 pa rin po tayo na nakataas dito po sa Batanes at
03:35sa may north-eastern portion ng Babuyan Islands.
03:38Habang nasa wind signal number 1 naman po, ang nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela,
03:46Ilocos Norte at sa may Apayaw.
03:49Inaasahan po natin, habang papalayo po itong Bagyong Rosal, ay maaari pong mas magbawas na po tayo ng mga lugar
03:57na nasa wind signals.
03:58Ang highest possible pa rin po natin na wind signal ay number 3.
04:03Ngunit kung mag-mas north-northwestward pa po yung tracking nitong bagyo, ay maaaring wind signal number 2 na lamang
04:10po yung pinakamataas natin.
04:14Para naman po sa ating rainfall forecast ngayong araw, nasa 100 to 200 millimeters of rainfall ang inaasahan sa Batanes
04:22dahil ngayong hapon nga hanggang bukas ng umaga yung closest approach nitong bagyo sa extreme northern Luzon.
04:29So yung mga 100 to 200 millimeters of rainfall, maaari pong magdulot ng mga numerous floodings o mga kalat-kalat
04:36ng mga pagbaha and also highly likely din po yung mga paguho ng lupa.
04:40Aside po dyan, 50 to 100 millimeters naman po na mga pagulan ang inaasahan dito naman sa may Cagayan and
04:47Apayaw.
04:48So doble, ingat pa rin po sa ating mga kababayan dyan dahil posible nga po yung malalakas sa mga pagulan.
04:54But other than these areas po na nasa ating weather advisory, meron pa rin nga po tayong mga maulap na
05:00panahon sa Bicol region,
05:02na lalabing bahagi din po ng Cordilleras, Cagayan Valley, sa may Ilocos Sur, La Union, maging sa may Aurora, at
05:10pati na rin po sa may northern and eastern Samar.
05:13Yung trough naman po ay makakaapekto naman sa western sections ng Visayas and also some parts ng Mindanao and Palawan.
05:24Bukas naman po ay mapapanatili po yung ating weather advisory sa Batanes na nasa 100 to 200 millimeters habang 50
05:33to 100 millimeters pa rin dito sa Cagayan.
05:36But by tomorrow evening nga po ay maaaring lumabas na ng ating area of responsibility itong Bagyong Rusal.
05:43Ngunit mataas pa rin po yung syansa ng mga pagulan natin dito sa Ilocos Sur, La Union, Abra, Benguet, Kalinga,
05:50at yung trough din po ay possible na magbigay ng mga malalakas din po ng mga pagulan at mga maulap
05:58na panahon
05:59sa Visayas, northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, at sa Tawi-Tawi.
06:08Kahit wala po tayo sa wind signals ay maaari po makaranas sa mga pabugso-bugsong hangin.
06:14Yung ating mga kababayan, ngayong araw dito sa malaking bahagi ng Luzon and Visayas,
06:20maging sa Maisamboanga del Norte, northern Mindanao, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Dinagat Island, Sarangani, Davao Occidental, at sa
06:28Davao Oriental.
06:29Dahil bukas, mababawasan po yung makakaranas ng mga bugso ng hangin.
06:33Dito na lamang po sa malaking bahagi pa rin naman ng Luzon and Visayas,
06:38ngunit bawas po dito sa Mindanao, sa may Davao Occidental at Davao Oriental na lamang po.
06:43At by Saturday, October 24, maaaring maranasan pa rin yung mga bugso ng hangin dulot ng northeasterly wind flow.
06:50Dito sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Polilio Islands, Bicol Region, Romblon, Capiz, Iloilo, and Negros Oriental.
07:02Para naman po sa babala dito sa matataas ng mga pag-alon, may gale warning po tayo na nakataas dito
07:10sa Batanes,
07:11northern coast ng Ilocos Norte, Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Aurora, northern and eastern coast ng Polilio Islands,
07:20northern and eastern coast ng Catanduanes, maging sa may Camarines Norte at Camarines Sur.
07:26At take note na lamang po yung ating wave heights o yung mga pagtaas ng alon ay maaaring umabot ng
07:32hanggang 12.1 meters
07:34o katumbas ng tatlong palapag na gusali dito sa extreme northern Luzon ngayong araw.
07:40Bawal pong pumalaot ang ating mga kababayan sa lahat po ng mga areas na may gale warning dahil napakadelikado po
07:47nito.
07:49At yun lamang po ang latest update dito sa Bagyong Rosal.
07:53At next update naman po natin ay mamayang 11 a.m.
07:57Maraming salamat po at mag-ingat po yung ating mga kababayan.
08:10Outro
08:24We'll see you next time.