00:00Ramdam sa ilang ospital ang pagdami ng mga may malatrang kasong sakit.
00:04Pero ayon sa mga doktor, normal lang ganito kapag papasok na ang mas malamig na panahon.
00:10May report si Marie Zumali.
00:14Alalang-alala si Mami Rea nang biglang makaranas ng hingal at hirap sa paghinga
00:19ang 7 buwang gulang niyang sanggol na si Baby Guia.
00:22Kaya agad niya itinakbo sa Philippine Children's Medical Center.
00:25Yung impression po is pneumonia sa viral po.
00:30Siguro sa mga nakasalamuan ng baby ko na siguro may trangkaso, parang ganun, eh nahawa siya.
00:37May influenza-like illness na pala si Baby Guia na usong-uso sa mga panahon ito.
00:42Sabi ng Epidemiology Bureau ng Department of Health,
00:45nakapagtalana sila ng 10,269 na kaso ng influenza-like illness sa nakalipas sa dalawang linggo.
00:51Mas mataas ng 16% kumpara sa 8,853 na kasong naitala mula August 30 hanggang September 12.
00:59Base sa historical data na kapag nagsimula na yung pag-uulan,
01:04tapos patungon na tayo sa malamig na panahon,
01:07meron talaga tayong ine-expect na pagtaas ng mga kaso.
01:11Kabilang sa mga rehiyong nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso ay sa Central Luzon,
01:16Mimaropa, Western Visayas at Central Visayas.
01:19Maging ang lokal na pamahalaan ng Quezon City,
01:22nakapagtala rin ng mas mataas na kaso ng influenza-like illness.
01:26For the past two weeks, we have been getting patients na may influenza-like symptoms,
01:31like fever, cough and cold.
01:33Pag hindi natin nababakunahan yung mga bata, mas prone din sila na magkaroon ng flu.
01:39And pag kunyari may isang bata ka na nagkaroon ng flu,
01:41ang bilis kasi niyan maghawa-hawa.
01:44Ang influenza-like illness ay isang syndrome o pangkat na mga sintomas
01:48gaya ng lagnat na may kasamang ubo at sipon.
01:50Para makaiwas sa sakit, payo ng mga doktor,
01:53laging maghugas ng kamay.
01:55Magtakip ng bibig at ilong kapag uubo o babahing.
01:59Panatilihing maayos ang ventilation,
02:01mag-mask at magpakonsulta na rin daw agad sa doktor
02:04kapag may maranasang sintomas.
02:06Inaasahan posibleng tumaas pa raw ang mga kaso sa papalapit na holidays.
02:10Pero wala naman daw dapat ikabahala.
02:12Nakikita din natin na yung pagtaas ay within the expected numbers pa rin.
02:17Wala tayong tinatawag na mga alert or epidemic threshold
02:20na nabibreach sa ngayon.
02:24Mariz Omali, GMA News.
02:28Mariz Omali, GMA News.
02:31Mariz Omali, GMA News.
Comments