00:00Dahil sa nadagdag na bilyong-bilyong pisos sa Unprogrammed Appropriations sa ilalim ng 2024 at 2025 General Appropriations Act
00:08at bahagi ng Unprogrammed Appropriations sa 2026 GAA, idineklarang unconstitutional ang mga yan ng Forte Suprema.
00:16Ayon sa isa sa mga petitioner, basic principle ito ng constitutional law.
00:21Narito po ang aking unang balita.
00:261987 pa lang ay may Unprogrammed Appropriations na sa budget ng mga administrasyon.
00:32Ito yung mga item o proyektong pinupunduhan lamang kapag may sobrang revenue ang gobyerno.
00:37Hindi naman daw ito labag sa batas.
00:39Pero kinwestyon sa Korte Suprema ang legalidad na Unprogrammed Appropriations sa 2024 National Budget na nakapaloob sa 2024 General Appropriations
00:49Act.
00:49Ayon sa mga petitioner, labag ito sa Article 6, Section 25 ng 1987 Constitution.
00:55Nakasaad doon na hindi pwedeng Kongreso ang magtaas ng appropriations na inarekomenda ng Pangulo para sa operasyon ng gobyerno.
01:03Idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang 2024 at 2025 GAA.
01:09Partikular na tinukoy ang nadagdag na 449.5 billion pesos na Unprogrammed Appropriations sa 2024
01:16at P17.99 billion pesos na pagtaas ng Special Road Fund noong 2025.
01:22Dahil dito, kaya lumampas daw ang budget sa inarekomenda ng Pangulo.
01:26Idineklara rin unconstitutional ang mga probisyon at chapter na nag-authorize
01:31o nagpahintulot ng Unprogrammed Appropriations sa 2026 GAA.
01:35Paglilinaw ng Korte Suprema, bagamat hindi unconstitutional ang mga Unprogrammed Appropriations,
01:40kailangang may malinaw na limits at safeguards para mapanatili ang fiscal discipline,
01:46transparency at accountability.
01:48Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng Malacanang at Kongreso kaugnay nito.
01:52Ayon naman sa isa sa mga petitioner na si dating Sen. Coco Pimentel,
01:56sangayon siya sa desisyon ng Korte Suprema.
01:59Ito raw ang basic principle ng constitutional law.
02:02Ito ang unang balita.
02:03Maris Umali, GMA News.
02:10Maris Umali, GMA News.