00:00Hinihikayat ni Senate President Sherwin Gatchalian ng National Council on Disability Affairs
00:04na imbestigahan ang podcast na ginawang tampulan ng katatawanan ang anak ni Chris Aquino na si Josh.
00:11Humingi na ng tawad ang podcast at ilang host nito matapos ulanin ng batikos.
00:16Balitang hatid ni Mark Salazar.
00:21Habang pinapanood ko po ang clip na ito,
00:23hindi ko alam how this bunch of podcasters na mukhang mga matatalino, edukado,
00:34ay magagawa ang ganitong kakruwel na komentaryo.
00:41Hindi napigilan ang TV host na si Boya Bunda na maglabas ng salo being kaugnay ng isang podcast.
00:47Alam niyo po ang masakit ay yung he was being compared to BIMB.
00:55Nakatunganga lamang, walang kwenta, and you are talking about a young man with disability.
01:04You're talking about a special boy.
01:07Habang nagtatawanan kasi ang mga host ng isang episode ng Machum Chismisan,
01:12maririnig ang mga salitang walang kwenta at nakatunganga lang patungkol kay Josh,
01:18anak ni Chris Aquino, na may otisim.
01:21Inulan niya ng batikos, hindi lang mula sa netizens,
01:25kundi maging sa mga celebrity, mambabatas, mga ahensya ng gobyerno, at iba't ibang grupo.
01:31Ang Otisim Society of the Philippines tinawag na patawang hindi nakakatawa,
01:36ang sinabi ng Machum Chismisan.
01:38Hindi punchline ng disability at ang pamamahiya ay hindi raw entertainment.
01:43Kapag raw ang pagpapatawa ay panlalait sa kapwa,
01:47hindi ang reaksyon ng mga nasaktanang problema,
01:50kundi ang nagbitiw ng salita na naniniwalang ang kalupitan ay nakakatawa para sa iba.
01:56Pinaalala rin nila ang Magna Carta for Persons with Disabilities
02:00na nagbabawal sa pangungutya, panlalait, at panunukso sa mga persons with disability
02:05dahil sa kanilang kapansanan.
02:09May itinatakdang parusa ang batas para sa mga paglabag dito.
02:13Hinihingi ang panamin ng pahayag kaugnay nito si Chris Aquino.
02:16Pero kung si Boy Abunda raw ang tatanungin.
02:19If Chris would ask me, we haven't had a chance to speak about this,
02:24I would tell her, go to court.
02:26Demanda mo?
02:27Dahil ito'y labag sa batas.
02:28Ayon sa TV host, inutusan na raw ni NBI Director Melvin Matibag
02:33ang Cybercrime Division Unit at Special Action Unit na imbestigahan ito.
02:39Tinakedown na ang binabatikos na episode.
02:42Ayon pa sa Pod Network, pinutol na nila ang kontrata sa Machong Chismisan Podcast
02:47at inalista rin ito sa kanilang network.
02:50Humingi rin ang tawad ang isa sa mga host ng podcast na si Tito P.
02:54Para sa mga sinabi niyang pangmamaliit kay Josh,
02:57na nakakasakit sa kanyang mga mahal sa buhay
03:00at sa mga taong nakaka-relate sa kanya
03:02bilang isang individual na nasa autism spectrum.
03:06Maging siya man daw ay may ADHD
03:08o Attention Deficit Hyperactivity Disorder
03:11at ang kondisyon niyang ito
03:13ang dahilan daw kung bakit minsan
03:15hindi niya na-filter ang mga sinasabi niya.
03:18Hindi raw ito pangangatwiran
03:21at sinasabi niya lang ito para malaman ng taong
03:23wala siyang mali siya o intensyong makapanakit.
03:27Papakinggan rin daw niya mga payo
03:29kung paano siya magiging mas accountable
03:31at mas magalang sa hinaharap.
03:34Nag-sorry rin ang co-host niyang si Makoy Pare
03:36sa PWD community.
03:38Sa pamamagitan daw ng private channels,
03:41hihingi rin sila ng paumanhin sa pamilya ni Josh.
03:44Wala pang pahayag ang tatlo pang podcaster na kasama nila.
03:48Sa isang pahayag na pinost sa Facebook page
03:51ng Machong Chismisan,
03:53direkta silang humingi ng paumanhin
03:55kina Chris, Josh at sa buong Aquino family.
03:58Lubos daw silang nagsisisi
04:00at taus pusong humihingi ng kapatawaran
04:02sa kanilang mga pagkukulang at pagkakamali.
04:05Paalala ng isang child protection specialist.
04:08Hindi katatawanan yung gantong kondisyon.
04:12So malungkot siya kasi parang
04:14with every content like this,
04:16napo-push back for a few years yung advocacy
04:19to develop understanding of the condition.
04:22So hindi siya dapat binibigay ng espasyo sa entertainment.
04:26Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA News.
Comments