00:00Mahina o wala pa rin tubig sa ilang bahagi ng Malolos, Bulacan ngayong araw.
00:04Dahil pa rin ito sa maintenance at shutdown ng MWSS.
00:08Ang reklamo tuloy ng mga residente, hindi sila makapaligo o makapagluto.
00:12Sa bayan ng Ubando, inihilera ang mga timba, palanggana at iba pang tubig para sa rasyon.
00:18Bukod sa Malolos at Ubando, apektado rin ang bayan ng San Jose Don Monte, Balagtas, Bukawi, Bulacan, Giginto at Mekawai.
00:29Patuloy na nagpapagaling si Pope Leo XIV matapos siyang operahan dahil sa cancer sa baga.
00:34Sumailalim ang Santo Papa sa blood test at chest x-ray at ayon sa Vatican, within expected range ang risulta.
00:41Nagsisimula na raw maglakad sa kanyang kwarto ang Santo Papa.
00:45Nagbalik normal na rin daw ang kanyang pagkain.
00:48Saksi si Mark Salazar.
00:53Magiliw na Pope Leo XIV ang nasilayan ng mga dumalo sa audience na ito sa Vatican City nitong lunes.
01:00Tuloy ang pitong meeting na nakatakda nung umagang yun.
01:06Sa kabila ng nakaschedule na operasyon ng Santo Papa sa Jimeli Hospital sa Roma kinabukasan.
01:17Linggo nang inanunsyo ni Pope Leo na may nakitang maliit na nodule o bukol sa kanyang baga nung sumailalim siya
01:25sa medical examination.
01:27Localized daw ito at maagang na-detect.
01:31Ayon sa Vatican, natuloy ang operasyon hapon ng Martes para tanggalin ang lower lobe ng kanyang kanang baga.
01:38Kumpirmado rin meron siyang lung adenocarcinoma, isang uri ng lung cancer.
01:44Tumagal ng siyamnapung minuto ang operasyon.
01:47Tagumpay raw ang surgery at walang komplikasyon.
01:50Ayon pa sa Vatican, mapayapang nagpalipas ng gabi sa ospital ang 71 taong gulang na Santo Papa.
01:58Ang adenocarcinoma ay isang uri ng kanser na nabubuo sa mga sel na lumilika ng mucos o plema.
02:06Risk factor ang paninigarilyo.
02:08Pero ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention,
02:12ito rin ang pinakakaraniwang lung cancer na tumatama sa mga non-smoker.
02:17Sa mga ganitong sitwasyon, posibleng risk factor ang polusyon o family history.
02:24Kilalang non-smoker si Pope Leo at mahilig din sa sports.
02:29Adenocarcinoma is the most common type of lung cancer that we see.
02:33It makes up about almost half of the lung cancer cases that we see in the United States.
02:41The right lower lobe of the lung is about half of the right lung.
02:45And people with healthy lungs can tolerate that and breathe just fine after surgery.
02:52Bumuhos ang panalangin para kay Pope Leo mula sa iba't ibang panig ng mundo.
02:57Kaysa rito ang mga simbahan sa Pilipinas.
03:00Napagdasal natin siya at para gumaling siya sa kanyang nararamdaman sa katawan niya.
03:05Para po sa ating Santo Papa Leo XIV, pinagdadasal po siya ng buong simbahan katolika.
03:10Kasi po, na-diagnose siya recently ng lung cancer.
03:14So, para sa lidat ng simbahan.
03:17Sa misa sa St. Peter's Square na pinangunahan ang bagong dean ng College of Cardinals na si Luis Antonio Cardinal
03:25Tagle,
03:25kasama sa ipinagdasal ang mabilis na pagaling ng Santo Papa.
03:34Kadalasang walang sintomas ang early stage lung adenocarcinoma.
03:39Pusibli rin sumailalim sa chemotherapy at iba pang treatment ang pasyente.
03:44Depende sa stage ng sakit.
03:46Wala pang inilalabas na impormasyon ng Vatican kung anong follow-up treatment ang gagawin sa Santo Papa.
03:53Pero nauna na nalang sinabi na pusibling isang linggo siyang manatili sa ospital.
03:57Kansilado ang kanyang public events hanggang October 20.
04:02Ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
04:08Tulong-tulong ang mga residenteng apulahin ang sunog sa dalawang bahay sa Dagupan City.
04:14Mabilis kumalat ang apo ay dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
04:18Nahirapan din ang mga bumbero dahil makitid ang daan papunta sa lugar.
04:22Ayon sa may-ari na isang bahay, wala sila roon ng sumiglabang sunog
04:26na posible roon nagmula sa tangke ng LPG na naiwang nakabukas.
04:30Patuloy ang ibestigasyon.
04:32Walang nasaktan pero apat na rang dibong piso ang tinatayang halaga ng naiwang pinsala.
04:36Nagbigay na raw ng paon ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektan ng pano.
04:42Nag-sampa ng reklamong cyber libel ang Jimmy Anchor at host na si Arnold Clavio
04:47laban sa isang nagpakilalang dating bodyguard ni Zaldi Cook.
04:51Inakusahan ni Mario Senisa Jr. si Clavio na isa sa media personalities
04:56na nakatanggap uno ng paper bag na may lamang pera.
05:00Sinabi ito ni Senisa sa isang press conference noong Hunyo.
05:03Ayon kay Clavio, ang pagsasampanya ng reklamo ay hindi paghihiganti
05:08o di para malaman ang katotohanan,
05:11lalo't na apektuhanan niya pati pangalan niya bilang mamamahayag.
05:21Balik trabaho na si Jillian Ward.
05:23Ilang buwan nagpahinga si Jillian matapos makaramdam ng burnout.
05:27Ang kay Jillian, inuna niya muna ang kanyang mental health,
05:30lalo't na apektuhan siya ng ilang bagay sa kanyang buhay at trabaho.
05:35At sa kanyang pagbabalik, mas prangka at palaban na Jillian daw
05:39ang mapapanood sa Prime Video Original na Behind Closed Doors.
05:45Makakatrabahan niya ulit dito si Marian Rivera.
05:50Parang reunion po namin.
05:52First time ko po siyang makaka-work ulit na talagang as an adult,
05:57dalaga na po ako.
05:58So, na-excite ako kasi,
06:00na-excite po ako sa wisdom na makukuha ko from her.
06:10Cell phone na?
06:11Naging bato pa?
06:13Pero hindi yung literal na bato sa paligid,
06:15kundi diamond ring.
06:18Umate kasing nag-unbox ng cell phone si Ramiel
06:21sa gitna ng kanilang anniversary dinner,
06:23habang si Jackie todo pakwela sa harap ng camera.
06:27Hanggang sa nilabas na ni Ramiel ang isa pang maliit na box?
06:32At ang laman pala nito,
06:34engagement ring.
06:36August pa dapat ang kanilang anniversary,
06:39pero naantala ang selebrasyon dahil sa mga nagdaang bagyo.
06:42Kaya nag-desisyon silang October nilang i-celebrate
06:45ang one-year and one-month anniversary nila.
06:48Congratulations, Jackie at Ramiel.