Skip to playerSkip to main content
Aired (October 10, 2026): Isang fast food crew ang nagulantang sa hatid na balita ng kanyang nobya habang siya ay naka-duty. Sa ikalawang subok niya sa licensure examination for criminologists, nakapasa na siya—tanda ng pagsasakatuparan niya sa pangarap niyang maging pulis. Panoorin ang video. #GoodNews

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00At night!
00:02Huli sa akto nang ibinalita ni Aubrey
00:04sa nooy nakaduty nitong nobyo na si Alan
00:07na nirelease na ang pinaka-inaantay nito.
00:10Ang resulta ng second take niya
00:12sa criminologist licensure exam.
00:16Nang sinilip ni Alan ang resulta,
00:19ang binata
00:23naging emosyonal.
00:27Minsan ang bumagsak si Alan.
00:30Sa kanyang ikalawang subok,
00:32aayon na kaya sa kanya ang kapalaran?
00:41Bata pa lang si Alan.
00:42Pangarap niya na raw talaga ang maging pulis.
00:45Simula nang bata ako,
00:47gusto ko na talaga magkalaruan ng baril.
00:50Sa hirap ng buhay, hindi mabilit.
00:52Yun ang pangarap ko hanggang saan ngayon po,
00:55yung pagpupulis po.
00:57Dito sa Baler Aurora,
00:59namulat si Alan sa hirap ng buhay.
01:02Walang kakayanan ng aking magulang
01:04na alagaan kaming siyam na magkakapatid.
01:07Dahil nga sa aming kakapusan,
01:09si Papa po ay nag-abroad.
01:11Pero kahit na may trabaho na noon
01:13sa abroad ang kanyang tatay Alan,
01:16kulang na kulang pa rin daw
01:17ang pinapadala nito kada buwan.
01:19Hindi rin daw sila maalagaan lahat
01:22ng kanyang nanay Jenny.
01:23At dahil dito,
01:25ang limang taong gulang na si Alan
01:26at ang kanyang nakababatang kapatid na si Angelo
01:29kinupkup at lumaki sa puder
01:32ng kanilang Lola Rosita.
01:34Mahirap dahil hindi kami magkakasama.
01:36Kahit na magkakaiwalay kami,
01:39andun pa rin si Lola
01:42nakagapay sa amin.
01:44Siya ang tumutulong na
01:47buahin kami.
01:51Ang pinagpapasalamat ko sa kanya
01:53at nandito sila sa akin
01:54at wala akong kusama dito.
02:00Ito raw ang naging inspirasyon ni Alan
02:02para magpursige sa buhay.
02:05Kahit kapos,
02:06iginapang ni Alan ang kanyang pag-aaral.
02:08Ang bahan ko lang is 50 pesos.
02:11Yun, pinagkakasya ko sa buong araw
02:13na nagkautang-utang kami
02:15sa pantustos sa pambayad sa school.
02:18Pantwisyon.
02:19Kahit minsan,
02:20di nang kumakai sa umaga,
02:21papasok,
02:22masipag siya mag-aaral,
02:24masyaga.
02:25Para siya'y makapag-ipon,
02:27dumidiscarte rin si Alan
02:28bilang karpentero.
02:30Na pinagkakakitaan daw rito
02:32ng kanyang ama
02:33tuwing natatapos
02:34ang kontrata sa abroad.
02:35Minasama ko po
02:36para meron siyang ekstrang pera.
02:39Nagbunga naman daw
02:41ang mga sakripisyo ni Alan.
02:42Nang taong 2024,
02:45siya'y grumaduate.
02:47Ang sunod niyang pinaghandaan
02:49ang kanyang board exam.
02:51Yung sa pagsama-sama ko kay Papa,
02:53yung pag-extra-extra,
02:54yung kinikita ko dun
02:55para lang sa pang-review.
02:57Nahirapan ako dahil
02:59kulang-kulang yung
03:00oras na nagre-review ako
03:02dahil nasa trabaho ako.
03:04Pero sa kabila araw
03:06ng kanyang paghahanda,
03:07nung araw ng kanyang pagsusulit,
03:09si Alan inunahan ng kaba.
03:13At halos pagsakluban daw siya
03:15ng langit
03:16nang lumabas ang resulta
03:18na hindi umayon sa kanya.
03:20Mga kasabayan ko na nag-exam,
03:23mga kaibigan ko,
03:24sila yung pamasa
03:25at ako lang yung hindi.
03:27Umayak ako dun
03:27kasi lahat ng pinagirapan ko
03:31is parang bula lang na nawala.
03:35Mabuti na lang,
03:36sa oras ng kabiguan,
03:38meron daw sumuporta
03:39at magpalakas ng kanyang loob,
03:41ang kanyang pamilya
03:43at ang nobyang si Aubrey.
03:46Sobrang sakit nun po
03:47para sa kanya.
03:48So andun po ako lagi
03:49para magbigay po sa kanya
03:51ng comfort
03:52and sabi ko po sa kanya,
03:53may next time pa naman.
03:55Matapos ang sandaling pagkalugmok,
03:58si Alan
03:58nagdesisyon na muling
03:59sumubok sa board exam.
04:02At para may pantusto siya
04:04sa kanyang panibagong review,
04:06namasukan si Alan
04:07na service staff
04:08sa isang fast food chain.
04:10Sa umaga,
04:11nagre-review ako.
04:12Sa hapon ay
04:14pumapasok ako
04:15para sa trabaho.
04:17Hindi raw birong
04:18pagsabayin ang trabaho
04:19at pagre-review.
04:21Pagod.
04:22Puyat.
04:22Pinanghinanan ako dun.
04:23Pero bumabalik pa rin
04:25yung sa isipan ko
04:26na yung gusto kong
04:28pangarap
04:28ay matupad ko.
04:30Nitong August,
04:32dumating ang araw
04:33na pinaghandaan ni Alan
04:34ang kanyang second take
04:36sa board exam.
04:41Yung parang
04:42wala na akong tiwala
04:43sa sarili ko.
04:44Pero
04:45nagdasal pa rin ako nun
04:47na sana makapasa ako.
04:49At ito na ngang
04:50September 1
04:51habang siya'y
04:52nakaduti
04:53sa pinapasukang
04:54fast food chain.
04:55At first.
04:57Laking gulat daw ni Alan
04:59nang dumating si Aubrey.
05:01Habang siya'y
05:02nakaduti
05:03sa pinapasukang
05:04fast food chain.
05:05At first.
05:07Laking gulat daw ni Alan
05:08nang dumating si Aubrey.
05:11Ano ka?
05:13Ano ka?
05:14Ano ka?
05:16Ano ka?
05:17Hindi ako naniwala.
05:19Kala ko hindi
05:20totoo yung sinabi niya.
05:22Pagkakita sa screen,
05:27si Alan
05:29nag-breakdown.
05:36Naiyak ako sa
05:37tuwaday.
05:38Napasama na yung
05:39pangalan ko sa
05:40pagkapasa sa board exam
05:41at
05:43natupad na rin
05:43yung
05:44gusto ko.
05:48Sobrang proud na
05:50proud ako sa'yo,
05:50anak.
05:52Sobra.
05:53Mahal na,
05:53mahal kita.
05:55Oh, yes!
05:57Congratulations
05:57sa bagong
05:59licensed criminologist.
06:03Sagit na ito eh.
06:04Para ipagdiwang
06:05ang kanyang success,
06:07ang pamilya ni Alan
06:08naghanda
06:09ng isang surpresa.
06:19Yun lang, Kuya.
06:19Sana
06:20magdere-derecho pa ito.
06:21Sobrang
06:22dami ng pinagdaanan
06:23mong nakamit mo pa rin
06:24yung
06:25pinapangar.
06:26Sobrang proud kami sa'yo.
06:29Mahal kita.
06:30Thank you, Pa.
06:35Mabigo ka man.
06:37Huwag magpapabilanggo
06:39sa mga duda
06:40at pag-aalinlangan.
06:42Bumangon
06:42at magpatuloy lang.
06:44Hanggang sa mapagtagumpayan
06:46ang nasimulang
06:47laban.

Recommended