00:30Ito na ang mga unang balita.
00:34Pinayagan ng Sandian Bayan 3rd Division si Leyte 1st District Representative Martin Romualdez na dumalo via videoconference sa kanyang arraignment
00:42at retrial mamaya.
00:43Samantala ay giniit ng DILG at Malacanang na walang special treatment kay Romualdez habang nananatili siya sa Infirmary Ward ng
00:51New Quezon City Jail sa Payatas.
00:53Narito po ang aking unang balita.
00:59Ito ang mga bagong mugshots ni dating House Speaker Martin Romualdez na inilabas ng Department of the Interior and Local
01:05Government o DILG.
01:07Nakatayo na siya at nakasuot ng yellow PDL shirt at pantalon.
01:11Hindi tulad sa una niyang mugshots na kinunan habang nakaratay sa kama ng Cardinal Santos Medical Center.
01:18Muling isinailalim sa booking procedure si Romualdez nang dumating siya sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas mula sa
01:25Philippine General Hospital o PGH.
01:26Pero imbis na sa SELDA, sa Infirmary Ward muna inilagay si Romualdez.
01:31Ang kanya pong self-placement ay basis sa evaluation na rin ng kanyang mga doktor at ganoon na din yung
01:39evaluation ng independent doctors natin from PGH.
01:43Base sa kautusan ng Sandigan Bayan 3rd Division.
01:47Because of his high blood pressure and his diabetes and others, nasa medical supervision pa siya.
01:54Kasi meron siyang evidence of prior cerebrovascular incidences na kailangan i-monitor.
02:02So may EKG na required sa kanya I think once a week.
02:08Kailangan hospital bed just in case may emergency.
02:11Sabi ni Interior Secretary John Vicremulia, totoong may sakit ang kinatawa ng Leyte 1st District.
02:16He's really sick. May sakit talaga. As according to the doctors, he needs medical supervision.
02:22So hindi drama yan. Hindi galing sa amin yun. Galing sa PGH yan.
02:27Diit ng DILG walang special treatment sa kongresista.
02:30May kasama raw siyang tatlong regular na preso sa Infirmary Ward.
02:34I think it's 50 square meters. Meron lang hospital beds. Wala siyang aircon.
02:41Ah, common bathroom.
02:45Tapos, mas malaki lang ang exhaust fan niya.
02:49Wala rin siyang personal na nurse at hindi rin siya babantayan ng doktor 24 oras.
02:54Bagaman pwede raw siyang regular na bisitahin sa hapon.
02:57Kung hanggang kailan si Romualda sa Infirmary Ward, nakadepende raw ito sa mga doktor ng PGH.
03:02May recommendation ng doktor sa kanya that he gets 30 minutes of exercise a day.
03:07And then when he goes out for sunning, nakaka-encounter din niya yung other PDLs?
03:12Like for example, the other senators, senators.
03:14Yes.
03:15Nakikita sila?
03:16Kung gusto niya. It's his prerogative kung pupunta siya doon sa mess hall ng mga ibang senators.
03:22Gaya ng ibang preso, pwede raw dalhan ng pagkain si Romualda.
03:26Pwede rin siyang dalawin ng kanyang mga abugado pero bawal sila sa Infirmary.
03:30Pwede lang daw sila sa meeting room sa tabi nito.
03:33Ang malakanyang iginiit ding hindi pa payagan ng anumang uri ng special treatment.
03:37Kung ano po ang sinasapit ngayon ng mga diumanong sangkot,
03:43yan naman po ay walang dapat sinisino.
03:48Mayaman, mahirap, ordinaryong tao, may kapangyarihan.
03:52Kung nakagawa man ng mali sa taong bayan,
03:58kailangan lang din pong pantay-pantay kung ano po ang naranasan ng mga akusado.
04:04So, wala pong dapat na special treatment.
04:07Ito ang unang balita.
04:09Mariz Omali, GMA News.
04:17Sa paghimay sa statement of assets liability sa net worth ni Vice President Sara Duterte at kanyang asawa,
04:24ipinunto ng prosekusyon na mahigit 90 million pesos ang itinaas ng kanilang net worth mula 2007 hanggang 2025.
04:32Sabi naman ang depensa, hindi na ipakita sa testimonya ng testigo na ill-gotten ang yaman ng mag-asawa.
04:38Yan ang unang balita ni Joseph Morong.
04:45Bago pahimayin sa impeachment court ang mga sal-en o Statement of Assets Liabilities and Net Worth,
04:51ni Vice President Sara Duterte inalmahan ang depensa na kasama ang mga mula pa noon 2007 kung kailan siya Vice
04:58Mayor ng Davao City.
05:00This refers to documents or sal-ens covering periods which the respondent was not an impeachable officer, Your Honor.
05:08Pero pinayagan nito ng impeachment court bagaman may limitasyon sa paggamit.
05:13Whatever it is that may be shown is only for purposes of establishing a baseline
05:17and not adding to the charges already made in the articles of impeachment that are outside her term.
05:24Ang mga sal-en, ang Vice Presidente at iba pa mga opisyal ng gobyerno
05:28ay inilalagak sa Records Division ng Office of the Ombudsman.
05:31Ang officer in charge na tanggapan na si Atty. Karen Batu ang iniharap na testigo ng prosecution sa 2007 sale
05:39ni Duterte,
05:40mahigit 7 milyong piso nakadeklarang net worth niya.
05:43Halos 100 million pesos na ito noong 2025.
05:46Her declared net worth as well as that of her spouse, Atty. Manasas Carpio,
05:51increased from 7,250,497 pesos in 2007 to 98,656,131.20 cents in 2025
06:06or an increase of around 91 million from 2007.
06:12Lumabas din na nagdeklara ng kanilang mga negosyo sa sal-en, Senado Duterte,
06:16at asawang si Atty. Manasas Carpio.
06:18Pero hindi nakalagay ang acquisition cost o kung magkano na ito nabili.
06:23Base po dito sa tatlong sal-en, wala pong nakadeklar na acquisition cost.
06:27So similarly, may negosyo pero walang puhunan.
06:30The council has been misleading as he has been making it seem that puhunan is equivalent to acquisition cost.
06:38Puhunan is capital, Your Honor, and not capital investment and not acquisition cost.
06:43Puna ng presiding officer, walang espasyo sa sal-en form na nakalaan para sa acquisition cost ng mga negosyo.
06:50Pero ayon kay Batu, dapat naka-itemize ang acquisition cost sa seksyo ng form para sa personal properties.
06:56Hindi nakadeklar yung acquisition cost.
07:02So ibig sabihin na may possibility na net worth is undervalued.
07:07I cannot make that inference, Your Honor, kasi as I've said, the office of the Ombudsman is merely a repository
07:13agency.
07:14Without concluding anything, yes, it can be a possibility.
07:18That's why precisely, Your Honor, it has to be declared para po klaro at the onset
07:23kung ano po talaga yung corresponding na amounts or value ng mga shares of stock.
07:31Inalahad di Batu ang mga cash declaration ni Duterte mula 2007 hanggang 2018.
07:37Pero pagdating ng 2019...
07:39For 2019 po, wala pong diniklear na cash on hand or in bank si BP Sara.
07:46Ganun din po for sal-en 2020.
07:48Onwards, ano po yung cash declaration ng ating vice president after 2020?
07:55For sal-en 2021, 2022, 2023, 2024, and 2025, wala pong nakadeklar na cash on hand or in bank.
08:07Inalala ng prosecution na sinabi raw ng depensa sa isang interview na nakasama na raw ito sa ibang personal properties
08:14ng vice.
08:15Natalakay din sa pagdinig na kung may pagkakamali sa sal-en, maaari itong itama base sa regulasyon ng Civil Service
08:22Commission.
08:23Pero ayon sa ombudsman, wala silang record na itinama ng vice presidente ang kanyang sal-en maliba na lamang noong
08:292025.
08:30Ang requirement lang po is as long as it is based on honest mistake and or good faith.
08:35Yes, Your Honor.
08:37Sabi naman ang depensa, hindi ipinakita ng testimony ni Batu na may ill-gotten wealth ang vice.
08:42You are not competent to say whether it is irregular, correct?
08:46Yes, sir.
08:47You are not competent to say whether it is unusual, correct?
08:50Yes, sir.
08:51You are not competent to say whether it is wrong or defective, correct?
08:55Yes, sir.
08:56So in testifying today's trial, you cannot conclude whether the vice president has or does not have ill-gotten wealth.
09:03Objection, Your Honor. Irrelevant, Your Honor.
09:05It was clear from the very start that the witness was only testifying based on the records and we've been
09:11fair with the witness.
09:12Para kay Sen. Judge Lito Lapid, hindi maaaring basta baliwalain ang usapin sa sal-en.
09:18Meron po kasi ako napanood na isang abogado na in-interview sa TV.
09:24Ang sabi niya, yungan ko lang po kung tama ito, walang politiko o magsasadmit ng sal-en na tatarbaho sa
09:31gobyerno na totoo.
09:33Ang sabi niya, isang kalukuhan niyan kung magsasabi sila ng totoo. Tama po ba yun?
09:39Ako po, nagsasabit po ako ng totoong sal-en, Your Honor.
09:44Ito ang unang balita, Joseph Morong, GMA News.
10:06Igan kasabay ng panibagong malaki ang taas presyo ng produktong petrolyo,
10:11ang pagtaas din ang presyo ng isda dito sa Malabon Central Market.
10:18Malaki ang itinaas ang presyo ng ilang isda at lamang dagat dito sa Malabon Central Market
10:23mula ng magpatupad ng panibagong oil price hike kahapon.
10:27Ayon sa ilang kargador ng isda, 50 pesos ang itinaas sa presyo ng ilang isda ang ikinaragan nila ngayong araw.
10:35Mataas daw kasi ang gastusin sa petrolyo ng mga bangkang pangisda.
10:40Sa ngayon, ang bangus ay naglalaro sa 240 mula sa dating 220.
10:45Ang tilapia ay walang paggalawang presyo na nasa 160 lang.
10:48Ang galunggong, nasa 300 hanggang 320 na mula sa 220 hanggang 240.
10:55Nung mga nakaraang linggo, ang hasa-hasa, nasa 400 pesos na mula sa dating 300 pesos.
11:01At hindi lang presyo ng isda ang apektado, kundi pati presyo ng mga tinitindang ulam sa nasabing pamilihan.
11:08Ang may-ari ng karinderiyan na si Lorena Bataga,
11:11nung isang buwan parao nagtaas dulot ng mga nakaraang taas presyo sa pangunahing bilihin.
11:18Ang tinaas ko sa ano ko, 10 piso.
11:21Yung bangus, 280 na ang kilo.
11:24O kaya ang benta ko, 70.
11:27Yung dalagang bukid nga 300, nagiging 320.
11:33Tapos yung hipong dating 300, nagiging 350.
11:39Matas pong buwanan.
11:41Matas na tapos matumal pa.
11:48Igan, hindi pare-pareho yung galaw ng mga presyo ng isda sa fish stalls dito sa Malabon Central Market
11:55dahil iba-iba raw sila ng supplier.
11:57Dumedepende pa rin daw yung kanilang presyo doon sa biyahe ng mga manging isda.
12:02At yan ang unang balita mula rito sa Malabon.
12:05Gabriel Gonzalez, GMA News.
12:10100 days na lang po, Pasko na.
12:13Marami na bang bumibili ng Christmas decorations?
12:16Mula sa Quezon City, alamin natin sa unang balita live,
12:19ni EJ Gomez.
12:21EJ, ikaw, mamimili ka na rin ba?
12:27Maris, good morning.
12:28Nako, mura dito kaya talagang after ng report natin, mamimili rin tayo.
12:32At ito nga, ang sabi ng mga nakausap natin, nagtitinda, exciting na daw ang bentahan.
12:38Kung tutuusin, mula umaga hanggang hating gabi raw ang dagsa ng mga mamimili.
12:44Ito yan, dito yan sa Dapitan Arcade, nakilalang bentahan ng sari-saring Christmas decorations.
12:53Alas 6 pa lang ng umaga, bukas na ang tindahang pinagtatrabahuhan ni Angel.
12:59Maliwanag at makukulay ang ibat-ibang pailaw, may mga parol at LED lights.
13:05Sari-sari din ang mga Paskong palamuti, gaya na lang ng mga inilalagay sa Christmas tree.
13:10Sa halagang 100 pesos, may pwede nang mabili na pang dekor.
13:15Ang iba nga, nakaset na.
13:17Ang Christmas tree, nasa 1,500 pesos hanggang 24,000 pesos ang bentahan.
13:24Depende sa laki at klase.
13:26Mabenta raw yung white tree o yung may snow.
13:29Ang Christmas balls, 100 pesos hanggang 1,000 pesos.
13:33Ang mga Christmas light naman, pwedeng mabili sa 250 pesos hanggang 6,500 pesos.
13:40Depende sa haba at kapal ng wiring.
13:43Ang Santa socks, 100 pesos lang.
13:45Ang garland, 100 pesos hanggang 1,000 pesos.
13:50May mga velvet flower, gaya ng poinset siya, na nasa 100 pesos hanggang 250 pesos.
13:57Sa halagang 100 pesos din, may candy cane o set ng fillers ka na.
14:02Ang mga maiilaw na parol naman, mabibili sa 1,800 pesos hanggang 18,000 pesos.
14:08Depende sa laki o kung kustomized.
14:11May mga LED lights din na 250 pesos hanggang 2,500 pesos.
14:16At syempre, meron ding Santa Claus.
14:19Ang mga hanging Santa, nasa 350 pesos hanggang 1,200 pesos.
14:26At ang figurines, 3,500 pesos hanggang 35,000 pesos kung giant Santa.
14:33Happy raw ang mga nagtitinda dahil sa lakas ng benta.
14:41Mas maganda po ngayon, mas exciting na ma'am kasi marami na pong tao ma'am.
14:46Compare po dati.
14:47Hindi ka na talaga makakakanda o gagawa sa kakaano ng mga items ma'am.
14:52Tapos mga bisita na dumadayo ma'am dito galing Tawidagat po.
14:56May Samboanga, Dabao, parang lahat na buong Pilipinas nandito na ma'am.
15:01Compare sa Divisoria, sa Quiapo, mas mura sila sa Casa Mall.
15:06Mas mura kasi nakakatawad sila dito ng bonggam-bonggam.
15:14Marie, 6 a.m. yung pinakamaagang pagbubukas ng mga tindahan dito sa Dapitan Arcade.
15:20At ayon sa mga nagtitinda, 10 a.m. yung talagang dagsahang hanggang hating gabi na yan, 12 midnight.
15:25Kaya naman, 9 a.m. pa lang, sinasara na sa motorista itong kahabaan ng Canlaon Street.
15:31Kaya naman dun sa mga kapuso natin na mga dadayo po, lalo na yung mga mamamakyaw.
15:37Kailangan pong i-check ang inyong parking.
15:40At yan, ang unang balita mula po dito sa Quezon City.
15:44EJ Gomez, GMA News.
Comments