Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Problema sa kalusugan, kakulangan sa oportunidad, hirap sa pag-aaral,
00:05ang ilan doon sa mga nakaapekto sa mental health ng mga Pilipino.
00:09Live mula sa Maynila, may unang balita si Gabriel Gonzalez.
00:13Gabriel!
00:17Igan, base sa latest survey ng social weather stations,
00:21lumabas na 18% lang ng mga Pilipino ang nagsabing excellent o napakahusay ng kanilang mental health.
00:27Ang ilan po sa ating mga nakapanayam dito sa lungsod ng Maynila,
00:32aminado pong hindi masyadong stable yung kanilang mental health dahil sa problema sa kalusugan
00:37o di kaya naman po ay sa kawalan ng oportunidad.
00:43Iniinda pa rin ng nagtitindang si Mirna ang Pilipino sa kanang binti habang nagtitinda.
00:48Isa raw ito sa mga nakaapekto sa kanyang mental health dahil wala siyang pampagamot.
00:53Ang residente namang si Lloyd, aminadong nai-stress dahil hirap sa paghanap ng trabaho.
00:58Hindi naman daw siya nawawala ng pag-asa dahil may pamilyang umaasa sa kanya.
01:03Para naman sa nursing student na si Sophia,
01:05bukod sa stress na dulot ng sabay na pag-aaral at pag-duty sa ospital,
01:10nababahala siya sa kawalan ng oportunidad at mababang sahod ng mga nurse dito sa bansa.
01:16Makakuha lang daw siya ng sapat na experience,
01:18abay mag-a-apply na raw siya bilang nurse sa ibang bansa.
01:21Dumabas sa survey ng social weather stations nitong September 21 to 27, 2026
01:27na may 1,500 adult respondents.
01:3018% ng mga Pilipino ang nagsabing excellent ang kanilang mental health.
01:3512% ang nagsabing very good.
01:3731% ang good.
01:3938% naman ang nagsabing fair o katamtaman.
01:43At 2% ang nagsabing poor ang kanilang mental health.
01:46Tinanong din sa survey kung kanino sila lumalapit kapag sila ay may mental health struggle.
01:5129% ang mga respondent ang nagsabing ang mga magulang ang una nilang nilalapitan.
01:5727% naman ang mas pinipiling mag-open up sa kanilang partner tuwing may mental health struggle.
02:03Nasa option din ang iba ang local government official, mental health professional,
02:08religious person, mga kaibigan o anak, at ang Panginoon.
02:11Itong October 10, ginunita ang World Mental Health Day.
02:15Layon itong isulong ang kamalayan sa mental health issues,
02:18alisin ang stigma sa mga nakararanas nito, at suportahan ang mga nahihirapan.
02:25Araw-araw ang stress talaga.
02:27Dahil ito lang po yung pilay ko ang nararamdaman ko.
02:29Kasi pag napilay po ako, yun stress ko.
02:34Hindi po masyadong tatanggap, nare-reject.
02:39Pero what keeps you going?
02:41Yung pamilya din po.
02:43Para po may bigay po sa pamilya natin.
02:47Plant ko po, siguro after po magkaroon ng experience here sa Philippines, mag-a-abroad po.
03:00Mga kapuso, mahalaga pong bantayan ng ating mental health.
03:03Sino man po na nakararanas o may kakilalang nakararanas ang problema pagdating po sa mental health,
03:09na nangangailangan ng payo, tulong o suporta patungkol po sa isyong ito,
03:14pwede pong tawagan ang National Center for Mental Health Crisis Hotline.
03:18O di kaya naman po ay mag-book ng telemental health response o online psychosocial support sa pamamagitan ng video
03:26call.
03:27Iganyan muna ang unang balita mula rito sa Maynila, Gabriel Gonzalez, GMA News.

Recommended