00:00Isa-isang pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyon ni Rodolfo Gracioso Jr. sa kanyang affidavit na isusumiti
00:09raw niya sa National Bureau of Investigation.
00:12Naglabas ng mga larawan ang bise para patunayan ang kanyang mga pahayag.
00:16May unang balita si Marisol Abduraman.
00:22Mariin kong itinatanggi ang mga pahayag ni Rodolfo Mondigo Gracioso Jr. sa kanyang sinumpaang sa Laysay at mga panayam sa
00:33media.
00:34Hawak ni Vice President Sara Duterte ang kanyang affidavit na isusumiti raw sa National Bureau of Investigation.
00:41Kognito ng NBI investigation sa mga alegasyon ni Rodolfo Gracioso na naghatid siya ng pera sa bise mula kay dating
00:48Speaker Lord Alan Velasco.
00:50Sabi ni Duterte, hindi totoo ang sinabi ni Gracioso sa kanyang sinumpaang sa Laysay na nasa marindukas siya noong mahal
00:57na araw ng April 2019
00:58para i-endorso sa eleksyon ang mga Velasco kasama ang kanyang dating staff na si Jeffrey Tupas.
01:04Una, si Tupas ay nasa Korea noong April 18 to 22, 2019.
01:12Pangalawa, hindi nang hampa niya ang HNP at wala akong inendorso sa marinduke noong 2019 dahil sabi ni Lord wala
01:23silang malakas na kalaban ni Presbitero Velasco.
01:28Ipinakita ng bise ang mga litratong patunay daw na nasa Mindanao siya mulay April 14 hanggang 21, 2019.
01:35Ang litratong kuha daw noong April 14, birthday ng kanyang ina, kung saan makikita ang kasama niya ang kanyang pamilya
01:42sa Davao City.
01:43At mga sumunod na araw naman ay rally ng hugpong ng pagbabago sa iba't ibang lugar sa Davao at iba
01:49pa.
01:49Inisa-isa pa ng bise ang mga pagkakataong hinatiran daw siya ng pera ni Gracioso at isa-isa niya itong
01:55pinasinungalingan.
01:56Kabilang noong September 21, 2019, sa isang hotel sa Metro Manila kung saan ayon kay Gracioso ay kasama ng bise
02:03ang kanyang dating tauhan na si Jeffrey Tupas.
02:06Sabi ng bise, wala sila sa Metro Manila noong araw na ito.
02:10Sa araw na ito, si Tupas ay nasa Japan.
02:14Ako naman ay nasa Davao at dumalo sa araw ng barangay San Isidro, Davao City.
02:21Para idaos ang caravan of government services kung saan kasama ang city mayor's office staff,
02:28nagsasagawa ako mismo ng konsultasyon, ng mga reklamo at pangangailangan ng residente.
02:35Ang caravan ay nagsisimula sa umaga at natatapos ng hapon.
02:41Sa gabi ng araw din yun, dumalo ako sa birthday celebration ni Renante Aritalia sa Davao.
02:49Hindi rin daw kapanipaniwala na noong 2018, sinundo siya ni Gracioso sa isang hangar sa Pasay City.
02:56Hindi maaaring direktang makipag-ugnayan sa akin si Gracioso para sumalubong at magbigay proteksyon
03:04dahil mahigpit ang seguridad na ipinapatupad ng Presidential Security Group.
03:11Mula July 1, 2016 hanggang June 30, 2022, ang PSG lamang ang nagsilbing security personnel namin.
03:21Hindi kailanman nangyari na ako ay sinundo ni Gracioso sa isang private hangar sa Pasay,
03:28sumakay sa isang Ford Savannah White na Artista van at hinatid sa Diamond Hotel.
03:34Maging ang sinabi ni Gracioso na nagpunta ang mag-asawang Velasco sa kanilang bahay ay hindi rin daw totoo
03:41dahil wala raw siya sa Davao ng mga panahong yun.
03:43Makikita sa Salaysay, ang pagsisinungaling ni Gracioso tungkol sa pagpunta sa bahay namin na sabi niya,
03:54kumain at uminom sa receiving area.
03:58Ang bahay namin noon ay masikip at makitid, kaya't wala itong receiving area.
04:07Isiningit lang kasi ito sa dating garahe ng bahay ng nanay ko.
04:13Ang ibig sabihin lamang nito ay hindi nakapunta si Gracioso sa bahay namin
04:19dahil hindi niya alam kung anong itsura ng bahay namin.
04:24Pinasinungalingan din ni Dutete ang sinabi ni Gracioso
04:27na bigay ni Ramil Madriaga ang motosiklo na gamit niya sa caravan.
04:31Ipinakita pa ng BSM mga resibo bilang patunay na siya mismo ang bumili nito noong 2017.
04:37Ang big bike na tinutukoy ni Gracioso sa larawan sa kanyang interview sa GMA News
04:44na umanoy binili ni Madriaga ay ang Yamaha XSR 900 na pagmamayari ko.
04:53Ang big bike na ito ay binili ko matapos ako umattend ng opening
04:59ng Motorhub Corporation Yamaha Showroom sa Davao noong December 2017.
05:09Nakuha ko ang motor noong December 29, 2017.
05:15At fully painted ito noong February 2, 2018.
05:22Itinanggi rin niya ang paggasos umano ni Madriaga sa riding course ng BSE.
05:26Si Madriaga, ang nagpakilalang dating sap ng BSE
05:29na gumawa rin ang aligasyon ng paghahati ng pera kay Duterte.
05:33Kung kunwaring totoo ang maleta na may 20 milyon na binigay kay Ramil Madriaga sa bahay ko pa mismo,
05:43nakakapagtatakang hindi ito binanggit ni Madriaga sa kanyang affidavit ng paninira laban sa akin.
05:50Kung mang idagdag ngayon ni Madriaga na kwento tungkol dito,
05:55ay hindi na ito kapanipaniwala at malinaw na invento lamang para suportahan ang kwento ni Grasyoso.
06:04At wala daw siyang tinatanggap ng mga sasakyan, maleta at boxes ng cash noong March 1, 2021.
06:10Sabi ni VP Sara, birthday ng anak niya noong March 2.
06:14Pandemic na mga panahon yun, kaya sa bahay lang sila nag-celebrate ng birthday.
06:18Wala akong tinanggap o pagmamay-ari na Hermes Bag o Patek Philip na Relo.
06:25Walang binigay sa akin na Escalade at Grandia Van.
06:30At wala ding ibinigay na pera sa akin si na Lord at Wen para sa H&P.
06:36Ayon kay Duterte, ibibigay niya ang kanyang affidavit sa NBI sa tamang panahon.
06:41Nauna na rin itinagay ni Velasco ang mga sinabi ni Grasyoso.
06:44Patid daw ni Duterte na may problema si Grasyoso sa kanyang dating amo pero hindi na dapat siya idamay sa
06:51kanilang alitan.
06:52Hindi dapat gamitin ang aking pangalan sa paghihigante, sa mga kasinungalingan at pagpapalakas ng walang ebidensya na impeachment complaints.
07:03At sa paninira sa politika.
07:07Ayon sa BICE, pera ang motibo ni Grasyoso.
07:10Walang galit si Grasyoso sa akin. Motivated by money siya.
07:16So ang tao naman na motivated by money, wala yung feelings eh. Kasi pera-pera lang yan.
07:22So sa paninira, ito destroy?
07:25Yes ma'am. Obvious na obvious yan.
07:27Kumpirmado ko na mayroong negosasyon ng pera para sa mga posibleng tumisigo sa inventong kwento ng mga maleta ng pera
07:38na umano'y ibinigay sa akin.
07:41Sino po ang nasa likod nito?
07:43Administrasyon. Sino ang nasa likod ng paninira sa akin? Administrasyon.
07:50Ang palasyo, si BBM. Makikita niyo naman yung mga declarations, mga statements ng Office of the President.
07:57Ang ginagawa ng communications ng administrasyon, lahat nung bahid na katiwalian na dapat sagutin ni BBM ay pinapahid niya sa
08:12akin.
08:13Sa kanya yung issue ng maleta. Kasi tumanggap siya ng maleta ayon sa testigo ni Zaldico. Hanggang ngayon, hindi pa
08:22sinasagot.
08:23Tinanong bisis sa hamo ni Gracioso na magpa-lie detector test.
08:27Wala akong problema sa lie detector test. Pero ipakita muna nila yung public na lie detector test ni Gracioso.
08:39Diba? Kasi ang nag-i-claim lang naman na pumasa siya sa lie detector test, is si Gracioso mismo eh.
08:46Para sa bisi, hindi siyang dapat hamunin sa lie detector test. Dahil ang sagot na ron niya ang lahat ng
08:51mga sinabi ni Gracioso.
08:53Hindi rin daw ito dapat ang pagtuunan ng pansin, hindi ang anya ay pagsisinungaling ni Gracioso.
08:59Kaya may hamon siya kay NBI Director Melvin Matibag.
09:02Sabi ni Matibag, o kakasuhan namin kung nakita namin na nagsisinungaling. Ayan, nagsisinungaling yan.
09:09Kasi pera ang motibo. Pera ang kanyang iniisip.
09:16So, antayin. Gusto namin makita na kasuhan ng NBI si Gracioso.
09:22Pumalag naman ang Malacanang sa mga pahayag ng bisi presidente.
09:26Ayon kay Yusecler Castro, wala na rong mahanap na pangdepensa ang bisi, kaya ang pangulo o ang administrasyon daw ang
09:32sinisisi.
09:33Siguro yun talaga yung mangyayari kapag wala ka na mahanap na pangdepensa, magtuturo ka na lang na iba.
09:41Kung may natanggap man silang pera, hindi ang pangulo ang nakinabang dito.
09:46Hindi ang kasalukuyang administrasyon ang nagpasasa sa mga pondong di umanong tinanggap nila.
09:52Sa kanila ito itinuturong na idigay.
09:55Sinusubukan ng GMA News makuha ang paning ni Gracioso, pero wala pa siyang tugon.
10:00Ito ang unang balita. Marisol Abduraman para sa GMA News.