00:00Mga kapuso, tataas po ang distribution charge ng Meralco
00:03kasunod ng pag-aproba ng Energy Regulatory Commission sa hiling nitong rate reset.
00:08Ang magiging epekto niyan sa mga bill, alamin sa pagtutok ni Von Aquino.
00:16Tataas ang itchacharge ng Meralco na distribution rate
00:19matapos aprobahan ng Energy Regulatory Commission ang rate reset ng Meralco.
00:24Mula 1 peso and 35 centavos per kilowatt hour na distribution rate,
00:29magiging 1 peso and 48 centavos per kilowatt hour na ito.
00:33Mas mababa ito sa hiniling ng Meralco na 2 pesos at 34 centavos per kilowatt hour.
00:39Ang rate reset ay regular na pag-review ng pwedeng singili ng Meralco sa delivery ng kuryente.
00:45Ayon sa ERC, noong 2011 pa o labin limang taon na ang nakalipas
00:50mula noong huling nagka-rate reset sa distribution rate ng Meralco.
00:53Marami na nag-iba ang expenses, nag-iba ang gastos, nag-iba ang halaga ng mga bagay-bagay.
01:00So, nung nag-apply sila siyempre, iba na rin yung piniklian nila na ganito na po yung gastos sa amin.
01:08Ayon sa ERC, posibleng sa Nobyembre pa mag-reflect ang increase sa bill.
01:13Pero sa isang pahayag, sinabi ng Meralco na kailangan nilang masusing reviewhin ang desisyon
01:18bago magkomento kaugnay sa impact sa kanilang kumpanya at mga customers.
01:22Pero naniniwala silang makakatulong ang rate reset para sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo.
01:28Tiniyak nilang susunod sila sa desisyon ng ERC.
01:32Habang hindi patiyak kung kailan ipatutupad ang mas mataas na distribution rate
01:36at kung tataas ba ang bill ng kuryente sa susunod na buwan,
01:40kanya-kanya nang diskarte ang mga Meralco customers sa pagtitipid.
01:44Hindi po, kailangan pagsabay-sabayin yung gamit, para lang po,
01:48pero kahit ano pong tipid, mataas pa rin yung bill.
01:53Pero nangangamba ang maliliit na negosyo na hindi naman daw kaya makapagtipid
01:57dahil umaasa sila sa kuryente.
02:00Ang tatamaan po nun is yung net income namin,
02:04which is mababa na nga sa ngayon kasi hirap din ang mga tao sa mga basic needs sila,
02:09so apektado rin ang mga negosyo.
02:10Von Aquino Nakatutok, 24 Horas.
Comments