00:00Mga nakapon po, labing dalawa ang patay sa panibagong pag-atake ng grupong Houthi sa Riyadh, Saudi Arabia.
00:07Mahahigit tatlong daan naman ang sugatan, kabilang po dyan ang tatlong Pilipino.
00:12Nakatotok si Katrina So.
00:19Nabalot ng usok ang King Khaled International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia.
00:25Halos wala ng maaninag sa loob.
00:29Tinuntiriya ang paliparan ng grupong Houthi sa Yemen.
00:32Ikatlong pag-atake na nila ito ngayong linggo na target ang airspace at oil facilities sa Saudi.
00:38Idiniklara nilang lugar ng military operations ang Saudi airspace, kaya binalaan nilang umiwas ang mga airline.
00:45Maraming flight ang kinansila o na-divert.
00:48Kinundina ng United Nations at Amerika ang pag-atake.
00:52Nangako namang gaganti ang Saudi-led military coalition.
00:55Sa tala ng mga otoridad, labing dalawang patay.
00:58Sa mahigit tatlong daan namang sugatan, tatlo ay Pilipino, ayon sa Department of Migrant Workers.
01:04Dalawa ay nasa intensive care unit habang minomonitor ang isa pa.
01:08Yung isasigurado tayo nagtatrabaho sa airport, yung dalawa na pabalitaan doon din nagtatrabaho pero kinukumpirma pa natin.
01:15We are currently monitoring all of their situations, their medical condition, at we are reaching out to their families at
01:22the moment.
01:23And in the meantime also, dinalaw na rin sila ng ating Migrant Workers Office at OWA team.
01:29Sinusuyod din daw nila ang mga ospital sa Riyad kung may iba pang Pilipinong nadamay.
01:34Ang OFW sa Riyad na si Mia, di niya tunay na pangalan.
01:38Nangangamba, lalo't malapit lang sa airport ang kanyang trabaho.
01:43We're still praying and hoping na, alam niyo po yan, karoon sa peace sa bawat bansa.
01:51Siyempre, mga pamilya po namin sa Pilipinas nagaalala rin.
01:55Naka-monitor naman daw ang DMW sa sitwasyon ng mga Pinoy na nakabase sa Riyad at buong Saudi.
02:02Pati mga Pilipinong apektado ng mga nakanselang biyahe.
02:05So 1348 po ang ating hotline.
02:08Dumulog lang po kayo sa joint DMW-OWA 1348 hotline.
02:12Kung nasa abroad plus 632-1348.
02:15Katrina Son, Nakatutok, 24 Horas.