00:00Ay, ay, ay, AI!
00:03Napapadali man ng AI ang ilang trabaho,
00:05ang kapalit naman daw ay ang pagkalagas ng trabaho.
00:09Dahil dito kaya nawalan umunan ang project ng isang voice talent.
00:13What you think?
00:14Yan po ang tinutukan ni Dano Tingkungko.
00:19Malamang dumaan na sa iyong social media feeds
00:22si Mia Hayes, Liam Sterling, at iba pang bida ng mga vertical drama.
00:26Ang mga ito gawa gamit ng AI o Artificial Intelligence.
00:31Habang patuloy na nagbubukas ng mga bagong posibilidad ng AI sa iba-tibang industriya,
00:36may mga trabaho rin posibleng maapektuhan dahil dito.
00:40Sa social media post ng voice talent at influencer na si Inka Magnaye,
00:45nawalan ng trabaho ang kanyang inang voiceover artist din dahil daw sa AI.
00:50Naiintindihan daw niyang business decision ito ng isang anyay malaking kliyente.
00:55Pero tanong ni Inka sa mga malalaking kumpanyang may kakayahang magbayad.
00:59Nais ba nilang dumating sa panahon kung saan ang pangkabuhayan at oportunidad ng mga tao
01:04ay kinukuha na ng AI habang sinisira nito ang kinabukasan?
01:08What you think mga kapuso?
01:10Dapat na ba nating paghandaan ang kinabukasan na pwedeng palitan ng AI ang trabaho ng mga tao?
01:15Yung AI kasi nakakatulong din niya sa tao para mapagahan yung trabaho nila or school projects ng mga estudyante.
01:28Pero huwag na sana abusuhin.
01:30I'm working po in the HRO industry.
01:34So we're doing like computer jobs po.
01:36It makes us feel na sa HRO which is using computer systems din na what if in a few years
01:44then pati kami mawala na ng job.
01:47Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank Institute, malaki ang epekto ng AI sa labor market sa Asia
01:53lalot maraming trabaho ang nanganganib isa ilalim sa automation.
01:56Sa Pilipinas at India, nanganganib daw ang BPO at IT services sa service sector.
02:03Ipinunto ng ADBI study na pinalitan na ng AI ang ilang trabaho tulad ng basic coding, data entry, document processing
02:11at tier 1 customer support.
02:13Kaya ayon sa ADB, kumukonti ang middle skill, middle income jobs at naiwan ang high wage cognitive rules at low
02:21wage manual tasks.
02:22Bukod dito, mahigit 60% din ang workforce sa Asia ang nasa informal sector.
02:28Rekomendasyon ng ADB Institute, irepaso ang educational systems.
02:32Halimbawa, isama ang AI o data literacy sa curriculum at mas tutukan ang project-based learning at lifelong learning systems
02:39tulad ng upskilling kaysa memorization at standard testing na nagagaya na ng AI.
02:45Mainam din palakasin ang social protection measures para sa mga mawawala ng trabaho dahil sa AI.
02:51Nauna nang sinabi ng Department of Labor and Employment na patuloy nilang pinag-aaralan kung paano mapapangalagaan
02:58ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa gitna ng pag-unlad ng teknolohiya.
03:02Daan natin ko, kung nakatutok, 24 oras.