Aired (May 9, 2026): Kamakailan, nagbuga ng makapal na abo ang Bulkang Mayon na nakaapekto sa mga residente at motorista sa Bicol. Sa kapal ng abo, hirap nang makakita ang mga dumaraan sa kalsada. Sa gitna ng pagsubok na iniinda ng mga lokal, nanaig pa rin ang bayanihan dito. Ipinakita ni Eduardo Nova, isang carwash owner, ang diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng libreng paglilinis ng windshield ng mga sasakyan upang makita nang maigi ng mga driver ang daan.
Samantala, sa Iligan City, Lanao del Norte, may isang komunidad na “unli” ang water supply. Wantusawa! Ang mga kabahayan, kanya-kanyang tayo ng kanilang hose na non-stop ang buga ng tubig! Galing daw ito sa nagdadamihang waterfalls sa lugar na tinaguriang “City of Majestic Waterfalls.”
'Yan at ang iba pang #GoodNews, panoorin sa video.
Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews