00:26Sandra Aguinaldo
00:32Isang financial forensic analyst ang sumunod na iniharap ng prosecution sa impeachment court
00:38para pagtagni-tagningin ang mga bank, tax, corporate at asset records
00:43ni Vice President Sara Duterte at kanyang mister na si Attorney Manassez Carpio.
00:48Pero umalma ang depensa, paano raw nakakuha ng mga confidential na dokumento
00:53ang prosecution witness na si Attorney Alexander Cabrera
00:57na ginamit niya para gumawa ng report.
01:00Definitely the respondent did not, does not, and will never consent
01:08to any information sharing of any of her confidential data with this stranger.
01:18This court, as of yesterday, has stated for the record that it has not yet issued any subpoena
01:26to this witness.
01:27Then what authority does this witness have to hold or to be handed over confidential data
01:36that even this court had ordered several times to be redacted, Your Honor?
01:40He has been properly engaged by the prosecution and given the authority to examine those documents.
01:50Now, the defense has repeatedly been saying that these matters are confidential.
01:56I would like to correct again the defense because these matters have been allowed by the Honorable Court.
02:02Matagal ko na pong sinasabi na hindi confidential ang katotohanan.
02:06Pinayaga naman ni Presiding Officer Cheez Escudero ang pagtestigo ng financial forensic expert
02:12dahil pinapayaga naman ang mga abogado para kumuha ng eksperto para makatulong.
02:19Batay daw sa pagsusuri sa mga dokumento ni Attorney Alexander Cabrera,
02:24isang abogado at certified public accountant,
02:27Meron umanong total undeclared cash ang bisi at kanyang mister.
02:32Noong 2022 hanggang 2025, panahong bisi na si Vice President Sara.
02:38Mahigit 60.2 million pesos noong 2022,
02:41mahigit 80.7 million pesos noong 2023,
02:45mahigit 23.2 million pesos noong 2024,
02:49at mahigit 43.6 million pesos noong 2025.
02:53May total undeclared personal and real properties din umano sila sa panahong nabanggit.
02:593.9 million pesos ang pinakamababa sa toong 2023,
03:04pinakamataas naman noong 2022 na umabot sa mahigit 76 million pesos.
03:10Ang total computed undeclared income naman umano ng mag-asawa,
03:14pinakamababa na yung mahigit 12 million pesos noong 2023,
03:18pinakamataas naman ang mahigit 50 million pesos noong 2022.
03:22Ang kabuang halagang hindi na e-deklara ng mag-asawa umabot-umano
03:26sa mahigit 817.87 million pesos.
03:33Ani Cabrera, para magawa ang kanyang report,
03:37gumamit siya ng accounting method, transaction tracing, financial analysis at iba pa.
03:42Pinaliwanag niyo kung bakit dapat tingnan na magkasama
03:45ang yama ni na VP Sara at kanyang mister.
03:48Ang SAL-EN po ay, although si VP Sara lang po yung government official,
03:55nagpa-file po siya ng SAL-EN kasama po ang properties po ng kanyang asawa po.
04:02Yan po ay requirement po ng batas.
04:05Kasama rin po dito sa dahilan,
04:08ay kinasal po sila, I think po 2007,
04:12during the effectivity po ng family code.
04:16Kaya po sila po ay may absolute community of property.
04:20At sabi nga po ng ating presiding officer,
04:23ay wala po silang prenuptial agreement.
04:27At wala rin po kaming nakitang judicial decree of separation of property.
04:32Natalakay din ang dalawang kumpanyang dideklara ng vise sa kanyang SAL-EN,
04:36ang Metro City Chao Foods Corp at ang Gen Corp Industry.
04:40Interlaking umano ang dalawang kumpanya o pareho halos,
04:44ang mga opisyal at maaaring ang ibang pangalan ay kinatawan umano ng vise.
04:49Ayon kay Cabrera, sa kanyang expert opinion at batay sa accounting rules,
04:54malaki umano ang share ng vise sa naturang mga kumpanya.
04:58Kung owner ka ng Gen Corp at wala yung pangalan mo sa JS,
05:03baka yung iba pong mga pangalan sa JS ay representative or nominist mo.
05:08Sa Metro City Chao po ay 80-20,
05:10at sa Gen Corp po ang tingin ko po ay Jaime T. Cruz 55 at BP Sara 45.
05:18Why did BP Sara include Gen Corp in her SAL-EN?
05:21Napaka halaga po kasi ng Gen Corp.
05:25Malaki po ang value ng Gen Corp.
05:27Bakit niyo sinasabing malaki ang value ng Gen Corp?
05:31Kasi po sa loob po ng Gen Corp, meron pong limang Jollibee branches po.
05:36Ano po ang naging basehan ninyo para sabihin na merong limang Jollibee branches
05:40sa loob ng Gen Corp Industries Inc.?
05:44Kasama po sa mga nakuha po naming dokumento galing po sa prosecution,
05:48ay official receipts po kung saan po ang official receipts po ito ay nagpapakita po
05:55ng purchases po sa Jollibee, sa iba't ibang branches ng Jollibee na pag-aari po ng Gen Corp.
06:01Sa lunes, inaasang haharap muli sa impeachment court si Atty. Cabrera
06:05para naman dumaan sa cross-examination ng abogado ni Vice President Sara Duterte.
06:10Sinabi rin ang prosecution team sa impeachment court na siya na ang huling witness nila
06:16kaugnay sa Article 2.
06:18Sandra Aguinaldo Nakatuto, 24 Ora.