00:00Ipatatawag ng Land Transportation Office
00:02ang driver ng SUV na bumanga at tumagilid sa Calocan City.
00:07Kahapon ng madaling araw,
00:08bumanga sa steel fence sa Center Island sa Samson Road
00:11ang naturang sasakyan bago tumagilid.
00:14Nagdulot ito ng mabigat na trapiko sa lugar.
00:18Nais alamin ng LTO kung pribadong individual
00:20o kawarin ng gobyerno ang driver at kung nakainom ito.
00:27Kung napatunayan po na government official man
00:31ang nagdadrive nitong sasakyan na ito,
00:33ay mabigat po yung pananagutan niya dito.
00:36Kapabayaan na ito ay dapat tinatanggalan na po ng lisensya.